Chapter 1

233 28 10
                                    

Crystal's P.O.V.

Dinig na dinig ang mga bulong ng hangin na na parang sinasabing hindi talaga dapat ako na magpunta rito. Ngunit matatanggihan ko ba ang ganda ng takip silim na anumang sandali ay makikita ko na. Tanging ang malamultong katahimikan, ang hangin at panay-panay na pagtunog ng aking sapatos ang nadidinig. Pilit kong pinipigilan ang pagtangay ng hangin sa itim at walang manggas kong bestida at mga hibla ng buhok na nakawala sa pagkakaipit.

"Pilipinas Circa 1907," ang kauna-unahang dula na pagbibitahan ko.

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at sinimulang basahin ang iskrip ng dula.

"Laura," dinig kong sambit nya.

Tinigil ko ang pagbabasa gayundin ang paghawak sa aking palamuti ng aking kwentas na hindi ko namalayang akin na namang ginawa.

Sinabit ko ang pangalan nya sa aking paglingon sa kaniya ngunit walang boses na lumabas sa aking bibig. Ngunit hindi iyon ang aking ikinagulat.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit may dugo ka sa damit?" Tatakbo na sana ako papunta sa kaniya upang tingnan ang kalagayan nya.

"Maghiwalay na tayo." Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga sinabi nya. Agad namuo ang mga luha sa mga mata ko.

"Ba-bakit? Sinabihan ka na naman ba ni Papa na hiwalayan ako? Kausapin ko sya - "

"Hindi Laura. Hindi ganoon ang sinabi ng Papa mo." Dahan-dahan siyang humahakbang papalapit sa akin. "Sabi nya, dapat sa susunod na magkita kayo ay nakasuot ka na ng damit sa kulay na talagang paborito mo."

"Ano bang sinabi mo? Nasaan si Papa, nandito ba sya sa hotel?"

Umiling sya at banayad na hinaplos ang aking kaliwang pisnge. "Gusto nya na ipares mo ang kwentas na ito, kapag nangyari iyon," pagpapatuloy nya habang pinagmamasdan ang kwentas na suot-suot ko.

"Lagi ko namang suot ito." Inusisa ko ang mga mata nya, sinubukan kong hanapin doon kung bakit at nais pa rin ba nyang maghiwalay kami. Napadaan ang tingin ko sa buhok nya, labis na mas magulo ito ngayon, ngunit halata pa rin ang pagkakahati nito sa gitna.

Napahinto ako sa pagtingin ng dahan-dahan nya inilapat ang kanyang labi sa akin. Matamis ang mga halik nya gaya ng dati ngunit may kakaiba. At bago ko pa malaman at tuluyang manlambot ang aking mga tuhod ay bumitaw na sya sa pagkakahalik.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may umaagos na dugo sa noo nya.

"Masyado ka ng maraming nalalaman." Bumalik ang tingin ko sa mga mata nya, hindi ko maiintindihan kung anong emosyon ang meron ito ngayon.

Malinaw kong nakikita ang aking mukha sa kaniyang mga mata. Kagaya ng suot na damit, kakaiba rin ang ayos ng aking mukha at buhok. Walang akong kakaiba na nararamdaman, para lang akong umaarte sa pelikulang ang tagpuan ay dekada 80.

Muli kong sinambit ang pangalan nya ngunit wala pa ring boses na lumabas.

"Kailangan ka ng alisin sa larawan, kaya maghiwalay na tayo," sambit nya kasunod ng malakas na pagtulak sa akin na dahilan upang ako'y mahulog sa gusali.

May sinasabi pa sya pero hindi ko na madinig.

Ang lahat para sa akin ay paulit-ulit na. Ang tagpuang ito, ang suot na damit at alahas at ang lalaking nasa harapan ko. Ngunit hindi ang sakit na dumurog sa puso ko tuwing darating na ako sa eksenang ito.

Kahit na alam kong walang boses na lalabas sa bibig ko, paulit-ulit ko pa ring isinigaw ang pangalan nya. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigil ay tuluyan ng kumawala at kasabay kong nahuhulog mula sa pagkasawi.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon