Alam nyang mahimbing ang tulog ng babae, pinanood nya itong umarte kanina.
Maayos nyang inilapag ang itim na binder na hawak nya sa lamesita. Ipinatong nya rito ang mga pulang bulaklak, kumuha sya ng isang tangkay nito at isa-isang tinanggal ang mga wari'y balahibo ng ibon na bulaklak.
"Tulad ng inaasahan walang makapagpasunod sa'yo. Ilang buwan ka na nilang sinusuyo at kinukumbinsi pero ayaw mo pa rin," sabi ng lalake habang pinaglalaruan ang mga bulaklak
"Tingnan natin kung makakatanggi ka pa rin ngayong nandito na ako." Lumakas ang hangin sa labas na tuluyang nakapagbukas sa bintanang salamin.
Binitawan ng lalake ang bulaklak at isinara ang bintana. Mukhang napagod talaga ang artistang natutulog sa sofa kaya hindi nya naramdaman ang biglaang pagdaan ng malakas na hangin at pagbabago ng temperatura sa kwarto.
Bumalik ang lalake sa upuang nasa tabi ng babae. Inayos nyang muli ang posisyon ng binder gayundin ang mga bulaklak na nakapatong doon. Nakita nyang may bulaklak na nasa ibabaw ng pisngi ng dalaga.
Inilapit nya ang mukha nya sa babae at hinimlay sa pisngi nito ang kanyang mga daliri.
"Hihintayin kita," bulong nya sa babae bago tuluyang alisin ang bulaklak sa pingi nito saka inilayo ang kanyang mukha sa dalaga.
Tumayo sya sa upuan at muling inayos ang posisyon ng mga bulaklak na nakapatong. Kinuha ng lalake ang tangkay ng mga bulaklak na pinaglalaruan nya kanina at nagsimulang maglakad patungo sa pinto.
Binuksan nya ito, lumabas, at sinimulang isara ang pinto ng dahan-dahan.
"Laura," bigkas nya bago tuluyang isara ang pinto.
Crystal's P.O.V.
6:32 ang oras na nagflash sa cellphone ko nang magising ako.
Tinignan ko ang reflection ko sa screen ng phone at gaya ng inaasahan ko namugto nga ang mga mata ko, mabuti na lang at saglit lang akong nakatulog kaya hindi naman ganoon kalala.
Humiga ulit ako. Medyo mabigat ang mga mata ko pero tuwing pipikit ako mahapdi naman.
Nakita kong may nakapatong na bulaklak sa lamesitang nasa gilid ko ng lumingon ako rito.
Kinuha ko ang mga bulaklak at umayos ng upo.
"Kanino galing 'to?" tanong ko. Kulay pula ang mga bulaklak at para silang mga balahibo ng ibon sa malayo yung ginagamit na panulat noong panahon ng Espanyol. Mabango ang bulaklak pero hindi ko gaanong maintindihan ang amoy, though may pagkamatamis ito. May card din nakasama 'to, 'I am still waiting for you' ang mensaheng nakaimprinta.
Tumingin ako sa paligid, wala namang ibang tao rito. Napansin kong script pala yung pinagpatungan ng bulaklak kanina.
Kinuha ko ito at binasa ang title, "the traitor," ito yung script na pinipilit sa akin nila Mimi!
Hindi ito ang kopya ng parte ng pelikula na lagi nilang ipinapadala, ito siguro ang mga susunod na pangyayare.
Tiningnan ko ulit ang mga bulaklak at bumalik ang tingin ko sa script, ilang beses ko iyong ginagawa.
"Bakit nandito 'tong mga 'to rito?" tanong ko sa sarili ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Mimi.
"Gising na po pala kayo Miss --"
"Ikaw ba ang nag-iwan nito rito?" Pinakita ko sa kaniya ang mga hawak ko.
Tiningnan ni Mimi ang dalawang bagay na nasa mga kamay ko. "Astilbe ba 'yan? Hin--"
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...