Nakatayo ako sa harap ng kabaong ng namatay kong papa. Nakaupo sa tabi ng kabaong si mama, mugto ang mga mata at hindi mapigilan ang paghikbi.
Nanghihina akong humiga sa papag naming kama dahil sa kakatawa na dulot ng pangingiliti ni mama.
Hawak ko ang picture ni papa. Naramdaman kong may kamay na humawak sa maliit kong likod. May pamilyar na boses akong nadinig na pwede ko pa rin daw gawin ang mga bagay na gusto ko kahit wala na ang taong lagi kong kasama sa mga gawaing iyon at tinanong ko, 'kaya ba natin? kaya ko ba?'
At natuto akong magbisekleta sa tulong ni mama, tumingin ako sa aking itaas at nakita ko syang tuwang-tuwa na nakaperfect score ako sa math exam. At tinikman ko ang unang pagkain na naimbento ko. Bumalik ang pamilyar na boses, binulong nya sa akin ang sagot na 'oo, kaya natin, kaya mo'
Nagsusuklay ako habang nakatingin sa salamin. Ibinulsa ko ang concert ticket. Sabi ni mama wag na raw akong umalis pero may sinabi ako tungkol sa school project at napilitan syang payagan ako. Hawak ko ang doorknob at nilingon sya, sabi ko mauna na sya sa Aurora at susunod na lang ako kapag natapos ko na ang gagawin ko.
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang mga taong aligagang-aliga, lakad dito, lakad doon. Naghawi ang mga tao at nakita ko syang nakatayo sa dulo ng hallway. Singningning nga sya ng crystal walang duda noon pa man. Inihakbang ko ang mga paa ko at nasa harap ko na sya, nakatalikod. Iginalaw ko ang kamay ko para kalabitin sya pero tinapon nya sa ere lahat ng mga regalo ko. Nabitawan ko ang mga pagkaing niluto at dinala ko para sa kanya.
Tumalikod ako nang makitang haharap na sya sa akin. Ang lakas ng ulan basang-basa na ako. Patuloy ako sa paglakad kahit may sugat na ang paa ko dahil ang sapatos kong suot ay nakanganga na. Nakikipagsabayan ang mga luha ko sa pagbuhos ng ulan.
"Sana hindi na lang ako nagpunta rito," sabi ko sa sarili habang sinusubukang pigilan ang pag-iyak.
Tumunog ang keypad kong cellphone. Sinagot ko ang tawag at narinig ko ang boses ng tito ni Kai. Hindi pa man din sya natatapos magsalita, binitawan ko na ang cellphone at kumaripas ng takbo sa ulanan.
"Maghiwalay na tayo." Napaluhod ako sa malamig na sahig nang marining ng katagang iyon.
Nagmakaawa ako sa babaeng nasa harapan ko na kulang na lang ay halikan ko ang mga paa nya. Niyakap ko ang mga binti nya sa pag-asang mararamdaman nyang walang pag-asang matatanggap ko ang mga sinabi nya.
"Hindi ko nakikitang magkasama pa tayo sa hinaharap, kaya maghiwalay na tayo." Pilit nyang inialis ang mga binti nya sa pagkakayakap ko at nagsimulang maglakad palayo sa akin.
Hinabol ko sya. Hinabol ko sya kahit hinang-hina na ako sa mga salitang binato nya. Hinabol ko sya kahit ilang ulit na akong madapa maabutan ko lang sya. Hinabol ko sya kahit ni isang beses ay hindi sya lumingon. Hinabol ko sya kahit sigurado akong hindi ko sya maaabutan. Hinabol ko sya kahit alam kong hindi na sya babalik.
Hinabol ko sya hanggang sa magising ako.
Nasilaw ako sa liwanag ng araw na pumapasok galing sa bintana kong salamin. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong umaga na.
Agad akong bumangon at pumunta sa c.r. Hindi na lang muna ako maliligo at magshoshower na lang. Hindi naman nila mapapansin kung naligo ba ako o hindi.
Lumabas ako sa c.r. at dali-daling nagbihis. Kinuha ko na kung ano ang unang polo shirt na nasa lagayan ko. Nanlaki ulit ang mga mata ko ng makitang wala na akong pantalon. Nagmamadali kong kinuha ang pantalon na sinuot ko kahapon sa lagayan ko ng labahan.
"Hindi na rin nila 'to mapapansin David, kaya dalian mo na," sabi ko sa sarili ko habang sinusuot ang pantalong limang beses ko ng nagamit ng hindi nilalabhan.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
Storie d'amoreWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...