Chapter 47

5 1 0
                                    

"I'm just here to pick up my lolo," wika  ni Hambog, nakatayo lang s'ya sa pintuan. Sa lahat ng pagkakataon ngayon pa talaga s'ya nahiya.

"Jason apo, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Tanda, galing s'ya sa kusina. Anong ginagawa n'ya roon? Akala ko ba natutulog 'yan sa taas?

Tiningnan ko si Mimi na akay ang matanda. Akala mo naman hindi na makalakad, baka nga mas mabilis pa sa kan'ya 'yan.

"Ay, Ms Crystal, gusto raw po kasing magpahingin ni lolo kanina nang magising s'ya. Kaya dinala ko s'ya sa likod, madami kasing puno roon sa labas," paliwanag ni Mimi. 

"I'm sorry for my lolo's sudden visit. Don't worry, it will never happen again," paawang wika ni Hambog saka pumasok para salubungin si Tanda.

Nakangiting kumaway sa akin si Tanda habang tinutungo nila ang pintuan.

"Ibig bang sabihin n'yan hindi mo na itutuloy ang 'The 'Traitor'?" tanong ko. Napahinto naman sila.

Nilingon ako ni Hambog, "I'll still continue it, in a few weeks or so. I'll just find an actress who's willing to work with me and star as Laura," tuluyan na s'yang humarap sa akin, "and don't worry about David, I'm going to tell him the whole truth. Pero s'ya pa rin ang magdedecide if he would continue to work with me."

"Paano kung sabihin kong hindi pwede?" tanong ko habang binabalik ang gown sa kahon nito.

Ang kaninang mukhang paawang tuta ay naging pitbull, "I understand that you're still mad at me but David is --"

"Hindi ka pwedeng maghanap ng ibang gaganap kay Laura, kasi ako pa rin ang gaganap sa kan'ya," putol ko sa kung ano mang kadramahan na sasabihin n'ya.

Inayos n'ya ang pagkakatayo n'ya saka humalukipkip.

"Hindi ko na itutuloy ang pagterminate ng contract," mabilis kong sabi saka iniwas ang tingin ko sa kan'ya. Diretsong nakatingin din kasi s'ya sa akin, parang gusto n'ya kong gawing abo tulad ng mga mata.

"You've been in and out on the production for the nth time. And rumors are already spreading that you finally quit. You don't even want to be part of my movie in the first place, don't you? Dahil ba niloko kita kaya pinaglalaruan mo ako ngayon?" 

Napalingon naman agad ako sa kan'ya, "huwag mo kong itulad sa'yo. Oo, ayaw ko talagang maging parte ng movie mo. Ayaw ko na ngang malink sa'yo o kahit pa sa matandang 'yan," tiningnan ko si Tanda na ngayon ay nakaharap na rin sa akin, "pero hindi ko pwedeng hayaan na sirain lang ng mga kasinungalingan mo ang ilang taon ko sa showbiz."

Nakita kong pinaupo ni Mimi si Tanda, mabuti na rin para hindi s'ya nagmumukhang tuod sa pagitan namin ng apo n'ya. At dahil nangangawit na rin ako, umupo na ko sa couch na nakaharap kay Hambog.

"Ano, aabutin pa ba tayo ng umaga rito bago ka makapagdesisyon?" tanong ko saka sinandal ang likod ko sa back rest at nagcross legs.

"Fine, but I need an assurance that you will never plan to terminate our contract, again," matalim n'yang tingin sa'kin. Gutom ba 'to? Parang balak n'ya kong kainin.

"Hindi pa ba sapat na desperada ako ngayong maibalik kung anong meron ako noon? Ano, kailangan ko pa bang lumuhod para maniwala ka?"

Tumayo ako at nagkunwaring luluhod na pero tulad ng inaasahan ko agad n'ya kong pinigilan.

"I'll first give heads up to the production crew then we'll resume the taping probably within this week. Just be there," paliwanag n'ya. Halos pabulong naman ang huli n'yang tatlong salita. Hindi ko tuloy alam kung tama ang pagkakadinig ko.

Habang iniisip ko kung ano ba 'yong huli n'yang sinabi ay inakay na n'ya ulit si Tanda.

"Masaya akong babalik ka na, Laura," nakangiting saad ni Tanda habang nakalingon sa akin.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon