"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko saka itinaas ang sunglasses ko at pinahinga ito sa tuktok ng ulo ko.
"Ano kasi --" bago pa s'ya makapagpaliwanag ay hinila ko na s'ya sa isang direksyon nang madinig ko ang mga boses ng lalaking nag-uusap.
"May reporters na naman ba sa paligid?" tanong n'ya sa akin nang huminto kami sa isang kanto.
"Nakakainis naman, hindi pa nga humuhupa ang controversies na idinidikit nila sa akin tapos may balak na agad silang dagdagan 'yon," saad ko habang patuloy sa paglinga sa paligid at baka nasundan nila kami.
"Ano nga pa lang ginagawa mo rito sa labas?" tanong n'ya sa akin saka tinuktok ang sunglasses ko dahilan para mapahinto ako sa paglinga-linga at malaglag ang salamin sa mga mata ko.
Inilabas ko ang pendant mula sa bulsa ko at iniabot sa kan'ya.
"Saan mo 'to nakita?" hindi makapaniwalang tanong n'ya.
"Sa set natin kung saan 'yan nawala," sagot ko saka naglakad patungo sa kung saang direksyon.
"Bumalik ka roon?!" tanong n'ya saka sumunod sa akin.
"Parang ganoon na nga," sagot ko sa pinakacasual na tono saka muling inilagay ang sunglasses ko sa ulonan.
"Naguilty ka ba dahil si mama ang nagbigay sa akin nito?" tanong n'ya habang pilit na sinisipat ang mukha kong hindi nakabaling sa kan'ya.
Nilingon ko s'ya, "kumakapal na yata ang mukha mo. Nastuck kami sa daan kanina kaya naghanap ng ibang route si Mang Jun... at nagkataong nadaanan 'yong warehouse!"
"Salamat," nakangiting sabi n'ya bago inilayo ang mukha n'ya sa akin.
Sinundan ko ng tingin ang mukhang n'yang nakangiti nang malapad ngayon. May filter ba 'yong araw ngayon at bakit parang ang gwapo n'ya? Ang ganda pala ng side profile n'ya. Nagkukulay ginto ang brown n'yang mga mata, kitang-kita rin ang tangos ng ilong n'ya at pinapakintab ng sikat ng araw ang puti n'yang balat.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang convenience store.
Binalak kong pumasok ng convenience store dahil medyo nagugutom na ako. Pero ilang metro pa lang ang layo namin ay hinawakan na ni David ang balikat ko dahilan para mapahinto ako.
"Papasok ka d'yan?" tanong n'ya saka itinuro ang convenience store na animo'y haunted house ito.
"Hindi ba obvious?" pagbabalik ko ng tanong sa kan'ya, tinanggal ko ang kamay n'ya sa balikat ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Sigurado ka?" tanong n'ya habang sumusunod sa akin papasok.
"Bakit ba?"
"Akala ko lang kasi gusto mo ng kalimutan 'yong mga alaala mo sa convenience stores," mahinang sabi n'ya pero dahil kami lang naman ang bumibili sa loob ay hindi iyon nakatakas sa pandinig ko.
Salubong ang kilay ko ng lingunin ko s'ya. Tatanungin ko sana s'ya kung ano bang sinasabi n'ya pero bago ko pa man 'yon magawa ay naalala ko na ang sagot sa tanong ko.
"Alam mo, sa iba na lang tayo bumili," hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila ako palapit sa pintuan.
"Ayaw ko." Hindi ako umalis sa pwesto ko nang hilahin n'ya ang kamay ko. "Matagal na rin naman akong hindi nakapupunta sa ganitong mga lugar," paliwanag ko saka kinalas ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya.
Nilinga ko ang paningin ko sa buong paligid.
Grabe wala man lang pinagbago ang convenience store na 'to. Kahit sa ibang lugar ay ganoon din ang ayos. Sa pag-iikot ko, lumapag ang paningin ko kay David.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...