"Lolo, sigurado po ba kayong dito sa area na 'to kayo nakatira?" tanong ko kay lolo Ernesto. Hindi ko na mabilang kung naka ilang beses ko na syang tinanong nyan.
"Oo nga... nandito lang yun, maghintay ka lang. Malapit na tayo."
"Pero kanina nyo pa po sinabing malapit na tayo," sabi ko habang nakasibangot mabuti na lang at nauuna sya sa akin. Hays.... yung binti ko naging noodles na kakalakad.
"Malapit na nga tayo." Lumiko ulit kami sa kanan na pangatlong beses na naming nadaanan kanina.
"Mag-iisang oras na po tayong paikot-ikot dito, baka naman hindi rito ang --"
"Nandito na tayo!" Biglang tumigil si lolo at tinuro ang bahay na nasa harap namin ilang metro ang layo.
Dalawang palapag ang bahay, white and maroon ang color theme. May malaking balcony sa harap ng bahay at naiwang nakabukas ang mga bintana kaya kumakawala ang manipis na asul na kurtina na animoy mga multong nagsasayaw sa dilim.
"Diyan po kayo nakatira?" tanong ko kay lolo Ernesto.
"Oo naman, saan pa ba?"
Nagsimula nang maglakad si lolo Ernesto palapit sa bahay nya. Pero naiwan pa rin akong nakatayo rito.
Bukas ang halos lahat ng ilaw sa bahay pero parang may pagka-haunted house ang dating. Pero hindi yung nakakatakot at lalayuan na haunted house, para pa ngang nang-iimbita itong pumasok ang bawat makakakita rito.
"Natatakot ka ba?" dinig kong sabi ni lolo habang naglalakad.
"Hindi po," natigilan ako sa pagtingin sa bahay at sumunod na lang kay lolo.
May mga bulaklak na nakahilera sa harap ng bahay. Pinapalibutan ng white and yellow flowers yung mas malaking bulaklak na kulay pula. Ang daming bulaklak pero bakit wala man lang akong maamoy na matamis o ano, medyo mahangin pa naman.
Huminto si lolo sa harap ng itim na gate.
"Lolo, naiwan nyo po bang bukas ang gate?" tanong ko nang makitang hindi gaanong nakasara ang gate.
"Ah... oo. Saglit lang sana kasi ako lalabas. Tara na." Tuluyan ng binuksan ni lolo ang gate para makapasok kami.
May malaking itim na van na nakaparada sa garahe. May patio rin na kulay green ang ceiling.
Binuksan ni lolo ang pinto ng hindi gumagamit ng susi, iniwan nya rin sigurong hindi naka-lock ang pinto.
"Saan ka pupunta?" tanong nya ng mapansing paalis na ko.
Papasok naman sya sa bahay nya kaya inakala kong okay lang na iwan ko na sya.
"Maya-maya ka na umuwi, magpahinga ka muna rito."
"'Wag na po, baka makaistorbo ako sa mga kasama nyo sa bahay."
"Wala kang maiistorbo rito, halika na pumasok ka saglit," sabi ni lolo ng pinigilan na kong umalis, hawak nya ang braso ko.
"Sige po." Sabay kaming pumasok ni lolo sa loob.
"Maupo ka muna riyan," turo ni lolo sa isa sa mga sofa na nasa living area, "kukuha lang ako ng maiinom"
Pumunta si lolo Ernesto sa kitchen.
May maliit na chandelier na nakasabit sa ceiling, hindi sobrang engrande pero nakakasilaw pa rin ang mga palamuting nakakabit dito. Kung titingnan ang interior ng bahay, halatang hindi si lolo ang namili. Kahit na mainly white ang mga pader may touch ng feminine style sa design, asawa siguro nya ang nagmili ng interior design.
Umupo ako sa sofa at tinanggal ang pagkakasabit ng bag ko. Ngayong nakaupo na ako, nararamdaman ko na talaga ang pagod. Isinandal ko ang ulo ko sa back pillows ng sofa at saglit na ipinikit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...