Chapter 15

32 11 0
                                    

David's P.O.V.

"Good morning cla--" napahinto ako sa pagbati sa mga studyante ko nang makita ko si Natalie na nakasandal sa teacher's table.

Nakasuot s'ya ng blouse na may black and white checkered pattern at white jeans. May suot din s'yang sunglasses.

"Morning!" bati n'ya sa akin habang nakangiti ng sobrang tamis.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kan'ya.

"Narinig ko kasi kanina na may inaasikaso ka sa division office kaya mala-late ka pero walang available na teacher na pwedeng magbantay sa mga bata kaya nagvolunteer na lang ako. Hindi mo man ako kasing galing sa math, napatapos ko naman silang gawin ang mga pinagagawa mo --"

"Paano mo naman nalaman na may inaasikaso ako?"

"Uhm... ano... ah! May malapit na cafe d'yan... tapos nakasulobong ko 'yong isa sa mga katrabaho mo at nabanggit n'ya 'yon... oo, tama..." halatang nagsisinungaling s'ya.

"Cafe? D'yan --" turo ko sa direksyon kung saan n'ya tinuro ang 'd'yan' kanina -- "katrabaho?" wala namang malapit na cafe rito at sino namang katrabaho ko ang kakilala n'ya?

Tumango s'ya sa mga tanong ko, "ah, oo nga pala --" kinuha n'ya ang maliit na red na bag sa lamesa at iniabot sa akin -- "nabanggit din kasi sa akin ng katrabaho mo na hindi ka masyadong nakakakain ngayon dahil busy ka. Kaya pinaghanda kita ng lunch..."

"Yeeiii!!" naghiyawan ang mga studyante ko, "kunin mo na sir!"

"Ikaw ang nagluto?"

"Hindi... gaya nga sabi ko PINAGHANDA kita ng lunch. Binili ko 'yan pero guaranteed naman na masarap 'yan --"

Nag ring ang cellphone n'ya.

"Masarap 'to, promise, " sabi n'ya saka kinuha ang kamay ko at pwersahang binigay sa akin ang bag na sa tingin ko ay thermo bag or anumang katulad ng ganoon, "alam kong marami kang ginagawa kaya mauuna na ko."

Nang masiguro n'yang hindi ko na mabibitawan ang bag ay naglakad na s'ya palabas.

"Bye kids!" kaway n'ya sa mga studyante ko.

"Sandali!" tawag ko sa kan'ya.

"Bye!!" kumaway naman pabalik ang mga 'to.

"Bye David," paalam n'ya sa akin bago isinara ang pinto.

"Natalie," sinundan ko s'ya, "Nat-- Crystal!" tawag ko nang mapagtantong Crystal na nga pala ang tawag sa kan'ya ngayon.

Lumingon s'ya pero patuloy pa rin s'ya sa paglalakad palayo sa akin. Nakangiti s'yang kumaway sa akin bago tumalikod ulit.

Bakit ngayong nginingitian n'ya ko pakiramdam ko may pag-asang bumalik pa ang Natalie na nakilala ko. Pero magaling s'yang umarte, siguradong malabong mangyare 'yon at arte lang ang ginawa n'ya kanina.


A few days later

Kakatapos lang ng mga klase ko at nagsisiuwian na ang karamihan sa mga studyante ngayon. Pabalik na ko sa faculty namin.

"David, tamang-tama. Halika saluhan mo kami," alok sa akin ng isa sa mga kaedad kong teacher. Slice ng pizza ang inaalok n'ya sa akin bukod doon may lasagna, fries, ice cream, coke, at kung ano-ano pang pagkain na nakalapag sa mahaba naming lamesa na kadalasang ginagamit ng mga student teachers.

Binatukan s'ya ng isa sa mga babaeng teacher sa department namin, "makapag-alok ka, bakit 'iyo ba 'yan? S'ya kaya ang dahilan kung bakit tayo nakakain ng ganito ngayon."

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon