Chapter 28

14 4 0
                                    

Napakalandi n'ya talaga!

Nagselos siguro sa bagong katambal ni Marvin kaya naghanap ng lalake.

Ang kapal ng mukha n'yang ipagpalit si baby Marvin ko!

Haliparot!

Cheater na nga, cheap pa! Mami lang ba ang kaya nyang ibigay sa lover nya?

"Anong cheap?!" Napahinto ako sa pagscroll nang makita ang komento at agad na napaupo mula sa pagkakahiga ko sa kama. Cheap pala ah, tingnan natin kung may lakas ka pa ng loob sumagot. Sinimulan kong magtype ng reply sa comment ng batang 'to, "palibhasa kasi mas gusto n'yo 'yong mga pagkain na maganda lang sa paningin para may mapost kayo sa insta -- huwag mo ng patulan ang mga sinasabi sa'yo ng mga tao, hindi naman 'yon ang totoo..." hindi ko natuloy ang sagot ko nang biglang sumingit ang text ni David.

Nagreply ako sa text s'ya. "Ano ako tanga? Bakit ko sila papatulan, wala naman akong ginagawang masama."

Muli kong binalikan ang pinakasikat na post tungkol sa akin kung saan milyon-milyon ang angry react, share, at comments. Tinuloy ko ang tinatype ko kanina, "ano ako tanga? Bakit ko sila papatulan, wala naman akong ginagawang masama," narinig kong parang babala ang reply na sinend ko kay David.

"Nakakainis naman kasi!" tiningnan ko ulit ang comment na gusto kong ireply  sa batang nagsasabing cheap ako. 

"Huwag mo ng patulan ang mga sinasabi sa'yo ng mga tao, hindi naman 'yon ang totoo," naimahe ko ang mukha ni David habang sinasabi ang text n'ya sa akin.

"Oo na, oo na. Buburahin ko," sabi ko na parang nasa harap ko lang s'ya at nagbabantay ng presong nagpaplanong tumakas. Madiin kong paulit-ulit na pinindot ang backspace. Binato ko kung saan ang cellphone ko matapos makitang wala na akong nakatype sa message bar.

 Humiga na ulit ako, pinikit ko ang mga mata at sinimulang sabutan at kaladkarin ang mga babaeng highschoolers, bakla, mga gurang na mahilig sa tsismis at mga tambay sa kanto na walang magawa kundi makisali sa piyesta ng pagbash sa akin.

Natigil ko ang pag-iisip na maturuan ng leksyon ang mga taong hindi alam ang salitang ONSCREEN partner nang madinig kong tumunog ang cellphone ko.

Hindi ko 'yon pinansin pero tumunog ulit at tumunog pa ulit. Padabog kong kinuha ito tinatak sa isip ko na kakalbuhin ko ang taong nang-abala sa akin.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

3 messages received

From: David

Wag ka ng mag-abala na magpost/comment tungkol sa nangyare, ilalabas naman yong statement ng agency mo mayamaya lang.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

From: David

Hanggat maaari wag ka na rin lalabas ng bahay mo, nandyan naman si Mimi di ba? Makisuyo ka na lang sa mga kailangan mong gawin sa labas.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Sino ako sa tingin n'ya? Baguhang artista? Alam ko na lahat 'yan 'no!" sabi ko matapos basahin ang pangalawa n'yan text. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon