Chapter 9

40 12 0
                                    

 Malapit na maggabi. Makulimlim din ang kalangitan at nagbabadyang umulan anumang oras. Pero marami pa ring mga taong nasa labas at abala sa kung ano mang ginagawa o pupuntahan nila.

"Nagustuhan mo?" tanong nya matapos lumabas sa hotel.

"Sobra," sagot ko sa kanya.

"Pwede kang pumunta rito anytime."

"Talaga?! May sarili ba akong kwarto dyan tulad ng mga sikat at mayayamang tao?" iba talaga kapag may kaibigan kang may-ari ng hotel.

"Sikat at mayaman ka rin naman ah."

"Hindi ako sikat at hindi rin ako mayaman, sila mommy at daddy lang ang mayaman."

"Ituloy mo na kasi ang pag-arte mo sa teatro, malay mo sumikat ka AT yumaman pa!"

"Saka na. Alam mo namang ayaw ni daddy,"

"Sige na nga. Ah, ito." Iniabot nya sa akin ang isang maliit na papel.

"Para saan 'to?" tanong ko ng makita ang business card nya.

"Wala lang, para lang lagi mong maalala na may sarili ng hotel ang best friend mo."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya. Tiningnan kong muli ang card na iniaabot nya sa akin. "Mr. Martinez, hindi porket may-ari ka na ng napakagandang hotel na dinadagsa ng mga tao ngayon ay may karapatan ka ng magyabang sa akin."

Natawa sya sinabi ko. Pero bigla syang napahinto. Lumingon ako sa direksyon kung saan sya nakatingin.

"Hoy! Magnanakaw!" nakita kong hinahabol ng tindero ang isang binata na may dala-dalang tinapay."Bumalik ka rito!" sigaw nyang muli.

Lumingon ang binata at hindi nya nakitang may mababangga sya. Nabangga nya ang isang babae at nahuli sya ng tindero. Sinubukan nya tumakbo muli pero nadapa sya at hindi na nya magawang makatayo dahil tatayo pa lamang sya ay sinalubong na sya ng mga tadyak at hampas ng tindero.

"Anong gagawin natin?" tanong ko kay Ernesto.

"Wala tayong gagawin Laura, baka madamay pa tayo sa kanya. At isa pa, sya naman ang may kasalanan, ninakawan nya --"

"Pero bata lang sya at mag-isa. Tingnan mo nga oh, pinagtitinginan lang sya ng mga tao, sige na tulungan natin sya," pakiusap ko sa kanya.

"Anong bata? Halata namang mas matanda pa sa'yo yan."

"Pero Ernesto -- "

"Mabuti pa at umuwi ka na."

"Ano?!  Uuwi naman na ako, pero tulungan muna natin sya, sige na..."

"Hindi pwede baka hinahanap ka na ni tito. Yari ako kapag nalaman nyang anong oras na hindi pa kita pinapauwi."

"Pwede ka naman magdahilan..."

"Alam mo namang ayaw kong nagsisinungaling sa mga magulang mo't nalalaman din nila agad ang totoo."

"Ernesto..."

"Sige na umuwi ka, ayan na ang sundo mo," turo nya sa itim na kotseng papalapit sa amin.

Hindi ko na napilit si Ernesto at nagpasya na lang na umuwi.

Bumuhos ang malakas na ulan makalipas ang ilang segundo pagpasok ko ng sasakyan.

Nagkakandarapa ang mga taong buksan ang mga payong nilang dala habang ang iba ay aligagang-aligaga sa paghahanap ng masisilungan.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon