David's P.O.V.
"What did you see?" tanong ni Jese sa akin
"Gabi noon, tapos naglalakad ako..." sagot ko
"Tapos?" tanong naman ni Natalie sa akin.
"'Yon na 'yon."
"Anong 'yon na 'yon?" tanong n'ya ulit.
"'Yon lang 'yong kakaiba kong nakita habang nagbabasa."
"Paano naging kakaiba 'yon, naglalakad ka lamang naman?"
"May nadinig akong kanta. Hindi naman tunog kakaiba, pero siguro kanta noong... 70s or 80s. Medyo malakas 'yong nadinig kong kanta pero mukhang hindi naman galing sa club or bar 'yong tugtog at... nakaformal attire ako..." paliwanag ko.
"Hindi kaya naalala mo lang 'yan dahil may napuntahan ka ng party? Retro style ganoon."
"Hindi ako nagpupunta sa mga party lalo na 'yong mga ganoong style o tema."
"Ang sinasabi ko lang, ako isang linya pa lang ang nabasa ko sa mahiwagang script na 'yan, pero ang dami ko na agad nakita, intense scenes pa. Bakit ikaw, nabasa mo na lahat-lahat 'yan, tapos paglalakad lang sa gabi ang ambag mo?" naiinis n'yang sabi.
Akala ko pagbalik namin dito sa Maynila ay parehong Natalie pa rin ang makakasama ko kagaya ng Natalie na nakasama ko sa Aurora, 'yong Natalie na laging nakangiti at nakikisama sa mga tao sa paligid n'ya at 'yong Natalie na parang ordinaryong tao lang... pero nakalimutan kong ginawa lang pala n'ya 'yon para maisali ako rito sa pelikula nila.
"Baka ayaw lang talaga ni Leonardo na maalala pa ang nakaraan kaya sinikap n'yang sa susunod n'yang buhay hindi na n'ya 'to maaalala. Isa pa kung nakukulangan kayo sa maiiambag ko sa pelikulang 'to pasensya na pero ayokong pilitin ang sarili kong umalala ng kung ano-ano lalo na't --"
"So sinasabi mong pinilit ka namin? Kusa kang sumama rito 'di ba? Pinakawalan na kita, pero ito ka kasama namin kasi umoo ka kahapon noong saktong paalis na ako at handa kang iwanan sa liblib n'yong barrio."
"Wala naman akong sinabing napipilitan ako --"
"Can you please stop?" tonong maawtoridad ngunit malumanay na tanong ni Jese, napatingin kami sa kan'ya, "you both have a point, but arguing and blaming each other would lead us to nothing. Gahol na tayo sa oras kaya simulan na muna nating magshoot, at least in that part we can make progress and hopefully through that you could remember more," paliwanag n'ya saka tumingin sa akin. Sobrang seryoso ng mukha at tono ng pagsasalita n'ya, hindi ko akalain na may side s'yang ganito lalo na noong una kaming nagkita sa Aurora.
Dahan-dahang pumalakpak si Dai matapos magsalita ni Jese, "napakagaling, director Jese Martin. Akalain mo 'yon napatahinik mo ang bibig ng alaga ko --" napahinto s'ya nang makitang masama ang tingin ni Natalie sa kan'ya.
"Mimi tara na nga para masukat ko na 'yan," tawag n'ya sa babaeng lagi n'yang kasama.
"I'll contact Mimi once we settled the schedule for the shooting," sabi ni Jese at tumango si Natalie bilang sagot.
"Sandali, tapos na agad? Hindi ko pa nalalaman kung ano bang nagyayare rito -- Crystal, Crystal!" si Dai habang hinahabol n'ya sila Natalie na umakyat na sa second floor ng bahay.
"I think you should eat," suhestyon ni Jese nang kami na lang ang naiwan dito sa salas.
"Salamat," sabi ko saka binuksan ang take out order na binili nila para sa akin. Iba-iba ang laman, may kanin at lumpiang shanghai tapos meron ding pancit at ilang pirasong siomai.
"David," tawag sa akin ni Jese, "are you sure that's all? Wala ka na bang nakita bukod sa sinabi mo kanina?" tanong n'ya sa akin, seryoso pa rin ang tono n'ya pero may kakaiba sa tingin n'ya na hindi ko mawari.

BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...