"Noong bigla ka na lang hindi nagpakita, akala ko kung ano nang nangyari sa'yo. Pinagdasal ko pa na sana kung nasaan ka man, maging maayos ang kalagayan mo. Gustong-gusto kitang makita ulit noon, kung okay ka lang. Kaya noong nakita kita sa TV, kahit hindi na sa personal, para akong nabunutunan ng tinik sa lalamunan," kwento ni David.
Ano, magcoconfess na ba ito sa akin?
"Kung sana pumasok ka noong araw ng huling pagbalik ko roon, nagkita pa sana tayo ng personal --"
"Kamamatay lang ni Mama noon." Napahinto ako nang makumpirma ang hinala ko kanina.
"So-sorry," sabi ko saka muling pinaglaruan ang salaming nasa bulsa ko.
"Okay lang," sagot n'ya suot ang mapait na ngiti, "ikaw, natupad mo na ba 'yong pangako mo na makita ng lahat na your living the best of life?"
"Ewan," kibit-balikat kong sagot.
At parang nananadya ang langit nang mahagip ng paningin ko ang billboard sa 'di kalayuan.
Ako ang mukha ng makeup advertisement na kasalukuyang tinatanggal nila ngayon. Grabe, wala pang dalawang minuto ay tuluyan nang nawala ang napakaganda kong mukha roon. And guess what, mukha lang naman ni Rachel ang pinalit doon.
"Hindi naman siguro importate na makita ng lahat 'yon. Sa tingin ko natupad mo naman na ang pangako mo basta nakita na ng taong pinangakuan mo na you're living the best of your life. Nakita na ba n'ya?"
Ako naman ang nagsuot ng mapait na ngiti, "hindi ko alam. Mukhang matagal pa bago ko malaman."
Nilingon ko s'ya para sana yayaing tumuloy na sa pagbalik sa hotel pero nakita ko s'yang makatitig din sa billboard kung saan mukha ni Rachel ang nakabalandra.
Tingnan mo nga naman, ako itong kanina nag-iisip na may gusto sa akin ang lalakeng 'to dahil sa kakangiti n'ya sa akin. Pero billboard pa lang ni Rachel ay natatameme na s'ya. Muntikan ko pa naman s'yang ituring first fan ko bukod sa mga magulang at kaibigan ko.
"Ano? May past din kayo ni Rachel kaya ganyan ka makatitig sa kan'ya?"
Agad n'ya akong nilingon, it looks like I caught him off guard. Pero imposible naman 'yon. Napakaswerte naman ng lalakeng 'to kung dalawang dyosa na ang nakikilala n'ya.
Ibinuka n'ya ang mga labi n'ya pero inunahan ko na s'ya.
"Subukan mo lang sabihin na mas maganda s'ya sa akin, ipalalambitin kita sa billboard na 'yon para magkasama kayong dalawa," madiin kong sabi saka itinuro ang billboard na nasa harapan namin.
Nagpakawala s'ya ng ilang tawa saka sinabing, "mas maganda ka at kung malalambitin man ako sa billboard, pipiliin kong makasama ka," wala ang mga tawa bagkus may ngiti n'yang sagot saka binulsa ang mga kamay n'ya.
Nakakatigil pintig ng puso man ang sagot n'ya ay gusto ko pa ring s'yang kulitin at makasiguro.
"Talaga lang --" Napatigil ako nang may madinig akong kakaibang tunog. "Tara na," bigkas ko saka sinuot ang sunglasses ko.
Pinakiramdaman ko iyon at nang madinig kong muli ay nagmadali akong maglakad pabalik ng hotel.
"Teka, bakit bigla tayong nagmamaadli?" tanong n'ya mula sa likuran ko
"May mga reporters sa likod," sagot ko sa kan'ya nang mahabol n'ya ang bilis ko.
Lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Hindi ko sigurado kung tama ba ako or kung nakilala ba nila ako pero mas mabuti nang nag-iingat.
Bahagya muli akong nauna kay David.
"Crystal," tawag n'ya sa akin.
Nilingon ko s'ya upang sinyesan na mas magmadali.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...