Chapter 31

13 3 0
                                    

Crystal's P.O.V.

"Bakit ang tagal naman nila?" tanong ko kay Mimi. Nasa loob ako ng hotel room ngayon pero kanina pa dapat ako nakasalang. Tatlong scenes lang naman ang kukuhanan bago ako at dapat kanina pa natapos 'yon dahil maiigsi lang naman. 

Nagkibit balikat lang si Mimi. Tumayo na ko mula sa pagkakadapa ko sa kama at lumabas ng kwarto, titingnan ko kung ano nang nangyayare sa kanila at ang tagal-tagal nila.

"Nagdagdag ba sila ng scenes? Ano 'to? Wala na nga ko sa Sweeter Love pero nagdadagdag pa rin sila ng scenes ng hindi ko alam?" tanong ko sa hangin habang patungo sa lugar kung saan kinuhunan ang scenes ni David at Stephen.

"In three... two... one... action!" sigaw ni Jese ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng dirty kitchen ng isa sa mga restaurant sa hotel na 'to.

Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko si Stephen na parang tinuturuan si David na magluto. Prenteng nakaupo sa stool chair si Stephen habang nagdidikta kay David ng mga gagawin n'ya. Maayos naman ang daloy ng scenes maliban na lang nang magsimula ng gumamit ng kutsilyo si David. Hindi n'ya mahawakan ng maayos ang kutsilyo at nanginginig s'ya sa tuwing ilalapat n'ya iyon sa carrots na hinihiwa n'ya.

"Cut!" napawi ang tensyon nang sumigaw si Jese, "David, are sure you're okay? We've been doing this scene for 27 takes." 27 takes?! Kaya naman pala ang tagal-tagal nila.

"O-okay lang ako --"

"You can't even hold the knife properly."

"Baka naman gutom lang," sabat ko sa usapan nila.

Nilingon ako ni Jese na nakaupo sa director's chair.

"Hindi, ayos lang ako," tanggi ni David.

"Si Stephen, baka gutom na. Kanina pa kayo nagshoshoot 'di ba?" tanong ko saka tinuro si Stephen.

"Busog pa ko, naparami ang breakfast ko kanina," sagot n'ya habang may stylist na nag-aayos ng buhok n'ya.

"Ikaw, Jese?" tanong sa kan'ya na kinunotan lang ako ng noo, "kayo po? Baka kanina pa kayo gutom?" tanong ko sa mga production crew pero halos hindi nila ako pinansin.

"Crystal, if you're hungry there's lots of food brought by the caterer," sabi sa akin ni Jese.

"Ako?! Hindi kaya ako guto--"

"Kanina pa nagugutom si Ms Crystal, pero gusto n'ya munang tapusin ang mga eksena n'ya ngayon bago s'ya kumain," sabat ni Mimi. Anong ginagawa n'ya rito? "Nagsawa na raw kasi s'ya sa food catering, gusto n'yang tikman 'yong mga pagkain sa sikat na restaurant na malapit dito. Hindi ba, miss?" nakangiti pang tanong n'ya sa akin.

Wala na kong masabi pa at napatawa na lang ako sa ginawang pamamahiya ni Mimi.


"Nakakainis naman, bakit sa lahat ng araw ngayon pa nila napiling magteam building?!" sigaw ko sa hangin habang naglalakad kami pabalik ng hotel.

Ayos din dito sa location na napuntahan namin, kaunti lang ang mga taong naglalakad-lakad dito halos lahat sila kasi nakacheck in sa mga hotel na mas malapit sa sikat na beach dito. Halos isang kilometro pa kasi ang layo namin sa beach na 'yon kaya hindi masyadong dinudumog ang hotel na pinagshoshootingan namin gayundin ang ibang establishment dito maliban lang sa restaurant na kakainan sana namin.

"Nasayang lang ang fifteen minutes nating paglalakad. Tapos gutom na gutom na ko, nakakainis talaga! Dapat magsara na sila --"

"It's your fault," dinig kong sabi ni Jese. Nauuna lang s'ya sa akin ng ilang hakbang kasabay n'ya sila MIke at Ching na naintriga rin sa retaurant na sinasabi ko at ang ibang production crew na sumama sa amin.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon