Chapter 22

23 6 0
                                    

"Hindi... hindi... hindi ka iiyak ng ganyan..." sabi ko habang may pumapatak na tubig sa palad ko, "sabing hindi ka pwedeng umiyak ngayon wala akong dalang payong!" sigaw ko nang magsimula nang lumakas ang pagpatak ng ulan.

Ilang minuto pa lang simula nang makaalis sila Natalie. Wala pa rin akong masakyan at lalong wala akong dalang payong. Tumingin-tingin ako sa paligid ng masisilungan pero wala. May nakita akong puno sa di kalayuan. Pero bago pa ko makalapit ay nagsimula ng kumulog at kumidlat na agad kong ikinakot.

"Bakit puro puno lang ang nandito?" tanong ko sa sarili ko nang sinubukang maghanap ng iba pang mapagsisilungan pero puro puno lang din ang nakita ko. Ayoko naman matustas ng kidlat.

Maya-maya ay nakakita ako ng maliit na shed sa gilid ng saradong building. Medyo sobra ang bubong nila kaya kahit papaano ay nakakasilong naman ako.

"Akala ko ba th-the most wonderful season ang be-ber months pero ba-ba-bakit umuulan pa rin hang-hanggang nga-nga-ngayon?" halos manginig-nginig kong tanong. Lumakas pa ang ulan at may kasama itong hangin kaya parang balewala na rin ang pagsilong ko.

Pinantakip ko sa mga mata ko ang kamay ko nang masilaw ako sa liwanag. Patay na ba ko? Si Kamatayan ba 'yong naglalakad palapit sa akin na nakapayong ng pula? Dahan-dahan kong ibinababa ang kamay ko nakakasilaw pa rin kaya papikit-pikit kong tiningnan ang taong papalapit sa akin.

"Nagpapalda ba si Kamatayan? Bakit parang nakita ko na ang damit na suot n'ya?" tanong ko habang palapit s'ya ng palapit sa akin.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ng isang dalaga. Di hamak na mas matanda ako sa kan'ya ng ilang taon at parang kasing-edad n'ya lang ang mga batang tinuturuan ko.

Hindi ako makasagot dahil sa ano 'to? Bakit sumakit bigla ang buo kong katawan? 

"Ma'am, tumayo na po kayo riyan mababasa po kayo lalo," rinig ko galing sa boses ng isang lalake.

"Ano ba bitawan n'yo ko! Tumawag na lang kayo ng tulong," utos ng dalaga na nasa harapan ko. 

Umalis ang dalawang lalake.

"Ang noo mo..." halos hindi s'ya makapaniwala nang makita ang pag-agos ng kung anong likido sa noo ko papunta sa pisngi ko. Hahawakan ko sana 'yon, "huwag," pigil n'ya saka inilabas ang panyo sa bulsa n'ya at pinunas iyon sa akin.

"Ma'am humingi na po ako ng tulong at parating na ang ambulansya. Tingin ko dapat na tayong umalis dito."

"Pero paano kung matagal pa bago sila dumating? Hindi natin s'ya pwedeng iwan ng ganito," tutol ng dalaga.

"Masyadong madami na po tayong nilaan na oras sa kan'ya --"

"Ma'am, siguradong nag-aalala na po ang Daddy n'yo," singit ng isa pang lalake.

Sandaling tumingin sa kanila ang dalaga saka inilabas ang isang maliit na papel, "kapag gumaling ka na, pumunta ka rito. Sigurado akong tutulungan ka n'ya," sabi n'ya saka tumayo at naglakad na paalis.

Pumalit naman sa kanila ang dalawang tao na 40s o 50s ang edad. Nagulat sila ng makita ako at tinanong kung ano bang nangyare sa akin, hindi ko alam pero bakit bigla kong naalala na binugbog ako kahit na sa buong buhay ko ay hindi ko naranasang mapagbuhatan ng kamay ng kahit na sino.

"Ayan na ang ambulansya," sabi ng babae.

Inihiga nila ako sa emergency stretcher at sinimulang ipasok sa loob ng ambulansya. Mula sa kabilang kalsada ay nakita ko pa ang dalaga na nakatanaw sa kinaroroonan ko. Bago ako tuluyang makapasok sa loob ay may dumaan na sasakyan, nasilaw ako't tinakpan ko ang mata ko nang tumama sa mukha ko ang ilaw na nanggagaling sa sasakyan.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon