David's P.O.V.
"Click!" tunog ng cellphone ko matapos ko kunan ang sunset mula sa hallway ng building ng school na pinapasukan ko.
Tiningnan ko ang picture. Nasa building na pinakadulo at pinakamatanda man ako, rito pa rin makikita ang pinakamagandang lugar sa school kung saan makikita ang sunset, baka nga sa buong syudad pa.
Pinost ko ito sa Facebook account ko, bago tiningnan muli ang mga tila nagsasayawang mga ulap sa nag-aagaw dilim na langit.
Binulsa ko ang cellphone ko saka nagpatuloy sa paglalakad sa hallway papunta sa Math department building. Gaya nga ng sabi ko, maganda ang tanawin ng sunset dito kaya hindi lang ako ang kumuha ng picture, may nadaanan akong mga studyanteng lumabas ng mga classroom nila at kumukuha rin ng picture, pero may ilan ding mga kapwa ko teachers.
Papasok na ako sa office department namin ng makatanggap ako ng tawag, number lang at alam ko kung sino ang tumatawag.
"Good afternoon Mr Rodriguez, this is Kasey Cruz --"
"Yes I remember you, ikaw 'yong tumawag last time di ba?"
"Yes, Mr Rodriguez. About the movie that I mentioned --"
"Pasensya na Ms Cruz, pero hindi po talaga para sa akin ang pag-aartista, maghanap na lang po kayo ng iba na mas willing and deserving. Thank you for understanding, have a good day," sabi ko saka in-end ang call.
Dalawang beses na nila akong tinawagan tungkol sa movie na ang title ay The Traitor, may lead role silang ino-offer sa akin, pero bakit ko naman tatanggapin?
"Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin?" tanong ni Kai sa akin habang inaantay namin ang inorder naming pagkain.
"Bakit ko ba kasi tatangapin na lang?" tanong ko sa kanya.
"Though mas gwapo ako sa'yo, mas ma-appeal ka, at magaling ka umarte. Isa pa sabi mo chef --"
"Ang tagal naman ng pagkain? Kailan ba darating 'yong inorder natin?"
"Okay, gets ko kung hindi mo namimiss umarte. Kasi kahit gifted ka sa part na 'yon, hindi mo naman passion ang pag-arte. Pero ang pagluluto --"
"Ayan na ang pagkain!"
"Miss na miss mo na..." sabi ni Kai habang inilalapag ng waiter ang mga pagkain.
"Salamat," sabi ko sa waiter.
"Nakalimutan mo na ba ang amoy at lasa nang una mong tikman ang kauna-unahang pagkaing inimbento at niluto mo?" tanong nya habang inaamoy-amoy ang soup saka ito tinikman, "Hmmm... ang linamnam, ang lasa ng bawat --"
"Kumain ka na nga lang," ipinasok ko sa bibig nya ang lumpiang shanghai na nasa plato nya, "ang dami mong sinasabi."
"Kaya tayo nagpagkakamalang magjowa, lagi mo na lang ako isinusubsob ang mga pagkain sa bibig ko," sabi ni Kai matapos kagatan ang lumpia.
"Anong sinasabi mo? Masama bang busalan ko ng pagkain ang kaibigan ko, lalo na kapag masyado na syang madaldal? Kumakain lang naman tayo ah," bahagya akong natawa sa sinabi nya.
"'Yon na nga, lagi na lang ikaw ang kasama ko. Sa dinner, lunch pati breakfast tayo ang magkasabay kumain."
"Makapagreklamo ka, parang hindi ako ang nagbabayad ng mga kinain mo."
"Hindi sa nagrereklamo, pero pwede ba sa susunod huwag naman sa mga restaurant na puntahan ng mga magjojowa mo ko ilibre?" sabi nya saka lumingon sa kanan nya.
Lumingon din ako at tama sya, puro magkasintahan nga ang nandito. Bawat age range may representative pa nga.
"Malay ko ba."
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...