Chapter 14

33 13 0
                                    

"David Rodriguez," basa ko sa pangalang ng may-ari ng profile na tinitingnan ko sa social media, "David Rod -- ah! Bakit ba sa lahat ng tao, ikaw pa?"

Umayos ako ng higa sa couch at naalala ang sinabi ni Jese.

"Sinubukan kong bigyan ka ng mga clue, pero mukhang hindi mo naaalala or in the first place hindi nalaman ni Laura."

"Kaya sabi mo kailangan natin mahanap si Leonardo, I mean 'yong taong katulad kong may alaala ni Leonardo?"

"Exactly, since lagi silang magkakasama at malaking parte sila ng buhay ng isa't isa."

"Pero saan naman ako hahanap ng ibang taong may alaala ng Leonardong 'yon?" napasigaw ako ng marinig ang ang balita sa t.v. tungkol sa pag-alis ko sa Sweeter Love, "dapat talaga nagmatigas at nagtiis na lang ako ng kaunti! Tawagan ko kaya sila at sabihing babalik na ako?"

Tatawag na sana ako pero profile ni David Rodriguez ang bumungad sa screen ko nang buksan ko ito.

"Hindi, hindi. Crystal, kahit gaano katanga ang ginawa mo magtira ka pa rin ng dignidad sa sarili mo, okay?" sabi ko sa sarili ko habang tinatapik-tapik pa ang sarili kong braso, "Okay. Ngayon dahil nagresign ka na sa Sweeter Love, gawin mo na ng maayos ang next project mo. Okay..."

Pinindot ko ang message button at nasimulang mag-type.


"Bakit wala pa rin s'yang reply?" Ilang oras na simula ng i-send ko ang message pero hanggang ngayon nakaseen lang ang message ko. "Baka akala nya pekeng Crystal ang nag message sa kan'ya..."

Nagtype ulit ako ng message at sinabing nagkakilala na kami dati noong "aksidente" s'yang pumasok sa bahay ko at napagkamalang magnanakaw. Sinabi ko na rin ang pakay ko na may role na gustong i-offer sa kan'ya ang movie project na pagbibitahan ko.

"Salamat sa offer pero hindi ako interesado," basa ko sa reply n'ya, "hindi interesado?!"

Maya-maya ay nagtext sa akin si Jese. Address ang sinend n'ya kasunod ang mga linyang, "d'yan nagtatrabaho si David Rodriguez, baka lang makatulong," may kasama pang winking emoji saka may dalawang heart.

"Gusto ba n'yang puntuhan ko pa mismo ang taong 'to?" gulat na tanong ko.

Nakita ko ulit ang reply ni David Rodriguez, "Hindi ako interesado."

"Tingnan natin kung hanggang kailan ka magiging hindi interesado..." sabi ko habang nakatingin sa reply n'ya.


Pinark ko ang sasakyan ko at sinuot ang sunglasses bago tuluyang lumabas. Ang daming mga studyante na naglalakad papasok sa mga classrooms nila ang iba naman ay palabas. May mga nakita rin akong mga nakaupo at nag-uusap, tawanan o kumakain ng kung anong mabibili sa usual public high school canteen.

Nilapitan ko ang isa sa mga studyanteng nakaupo sa hagdan, "saan ko makikita si David Rodriguez?" 

Ilang segundo akong tinitigan ng studyanteng pinagtanungan ko pati na rin ng mga kasama n'ya.

"Si ser Deved ba kamo?" rinig kong tanong ng lalakeng nasa 50's ang edad at naka white shirt at black slack pants na may malabasketball player na height.

"Actually I'm looking for Mr David Rodriguez..."

"Ah... si ser Deved nga, doon s'ya nagtuturo sa pinakadulong beldeng, sa beldeng ng Filipino department s'ya nagtuturo. Makikita mo s'ya sa isa sa mga clasrum doon."

"Dulo?"

"Oo, likuan mo lang 'yong holwey na 'yan --" turo n'ya sa di kalayuang hallway kung saan pipasukan ng maraming studyante --" tapos lumiko ka sa pangalawang likuan na makikita mo sa kaliwa, kapag may nakita kang likuan sa kanan, diretsuhin mo na 'yon at nandoon ka na. Sa pangalawang palapag ang kadalasang mga klase ni ser Deved," paliwanag n'ya.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon