Nilalayo ko na ang sarili ko sa kan'ya dahil hindi n'ya ako gusto at nagkakamabutihan na sila ni Rachel Chavez pero ano 'tong tinatanong n'ya sa akin?
"Pagkatapos ng taping sa Sabado...may gagawin ka ba? Gusto mo bang --"
"Ms Crystal! Nasaan ka na?" naudlot ang sasabihin ni David ng marinig namin ang sigaw ni Mimi.
Natanaw ko si Mimi palapit sa amin pero sa ibang direksyon s'ya nakatingin kaya hindi pa n'ya kami nakikita.
"Dumating si Sir Dai, may importante raw s'yang sasabihin sa'yo!"
"Kahit kailan talaga panira ng moment 'yang babaitang 'yan," nagulat ako nang madinig ang pagtawa ni David. Ano ba naman 'yan? Napalakas pala 'yong pagsumpa ko kay Mimi, nakakahiya, nadinig n'ya tuloy.
"Ms Crystal!"
"Hinahanap ka na yata nila. Sige na, puntahan mo na si Mimi," nakangiti n'yang sabi.
Paano n'ya nagagawang ngumiti sa ganitong sitwasyon? Hindi na nga n'ya ako nayaya ng date nang maayos sa Sabado -- Sandali, may photoshoot ako para sa isang magazine sa Sabado! Hindi rin naman pwede sa Linggo may commercial shoot ako kasama ng ibang talents ni Dai. Ako pa naman ang bida roon, siguradong pag-uusapan ng mga tao kung bakit ako wala roon.
"Ngayon na lang... tumakas na muna tayo rito... tapos gawin natin 'yong gusto mong mangyari sa Sabado," hindi ko akalaing masasabi ko sa kan'ya 'yon. Baka isipin naman n'ya ang desperate ko makadate s'ya.
Nakita kong nagulat at napautal pa s'ya sa una n'yang salita, "hi-hindi naman yata nila tayo papayagan." Wala ring confidence ang lalaking 'to, masyado pang rule follower.
"Kaya nga tatakasan natin sila."
Napalingon s'ya kay Mimi na ngayon ay ilang metro na lang ang layo sa amin pero buti na lang ay nagtanong muna s'ya sa napadaang staff.
Hindi pwedeng mas tumagal pa ang pagdadalawang-isip n'ya. Mauuna pa kaming makita ni Mimi bago makapagdesisyon si David.
Isa na lang ang natitirang paraan.
"Tara na," wika ko saka hinila ang kamay at nagsimulang tumakbo.
"Ano?" mabuti at nagpahila rin s'ya kundi magmumukha akong tanga.
"Ms Crystal, saan ka pupunta?" sigaw ni Mimi sa likuran namin.
NIlingon s'ya ni David pero wala na akong balak lumingon pa. Natatawa na lang ako sa ginawa ko ngayon. Mamaya ko na iisipin ang sermon na aabutin ko kay Hambog at Dai.
"Parang uulan," wika ni David habang nakatingin sa ngayo'y puno ng maiitim at malalaking ulap na kalangitan.
Nakaupo kami sa sea wall, nasa pinakadulo naman kami kaya malayo kami sa mga tao.
"Dito mo ba talaga gustong pumunta?"
Nakangiti naman akong tumango.
"Dito lang?"
"Sa playground ko sana gustong pumunta kaso ang dami namang tao roon. Ayaw mo ba rito?" Nakakakaba naman 'to. Paano kung sabihin n'yang hindi? Saan naman kami pwedeng lumipat? Dagat at kalsada lang ang natatanaw ko, mahirap din namang basta pumunta kung saan dahil baka may makakilala sa amin.
"Baka lang kasi biglang umulan saka akala ko kasi sa mamahaling lugar mo gustong pumunta," nakayuko n'yang sabi.
"Sino namang nagsabi n'yan? Ang tirik-tirik kaya ng araw, nahihiya lang 'yan sa kagandahan ko kaya nagtatago. Mamaya lalabas na rin 'yan --" napahinto ako nang marinig s'yang matawa, tinakpan pa n'ya ang bibig n'ya pero huli na dahil hindi na n'ya mapigilan ang pagtawa, "bakit mo ko tinatawan?"
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomansaWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...