Magdadalawang linggo na simula nang tambangan ako ng press at haters sa airport. Last week pa kami dapat nakabalik sa taping pero kahit na wala ng reporter sa paligid ng bahay ko ay hindi pa rin humuhupa ang isyu. Noong nakaraan nga, nagtaping sila Hambog kasama ang ibang cast pero agad 'yong nahinto nang magpumilit pumasok ang mga walang magawang bashers ko at dinedemand nilang lumabas ako.
Katatapos ko lang maligo at nasa harapan ako ng vanity table ngayon, nagsusuklay.
"Pinuntahan kita kasi nag-alala ako na baka nalulungkot o nababahala ka sa mga balitang kumakalat ngayon. Pero mukhang nagkamali ako," narinig kong muli ang boses ni JP.
Ilang araw na kong ginagambala ng mga sinabi n'ya.
"Hindi ka nagkamali," sagot ko sa mga salitang binitawan n'ya, nanatili lang ako roon sa harapan ng salamin, blangko ang isipan at nakatingin sa reflection ko.
"Miss, may pupuntahan ka?" nabalik ako sa sarili nang madinig si Mimi, nasa pintuan s'ya at nakadungaw sa akin, "wala pa naman sinasabi si Sir Dai na pwede na kayong lumabas."
"D'yan lang ako sa playground," sagot ko, alam ko namang naiintindihan n'ya kung bakit ako pupunta roon. Tinapos ko na ang pag-aayos ko at sinuot red converse na sapatos.
"Gusto mo samahan kita?" kita ko ang pag-aalala sa bilugan n'ya mga mata nang iabot n'ya sa akin ang black na cap.
Sinuot ko ang cap at sinunod ang black sunglasses kong may pulang frame, "hindi na, oras naman ng pasok sa school ngayon at umulan kanina kaya siguradong walang tao sa park."
Naka-red hoody sweater at simpleng black jeans lang ako kaya hindi naman ako agaw pansin kung sakali mang may mangilan-ngilan na tao sa playground.
Umaabon-abon pa nang makarating ako sa park, inakala ko talagang wala o konting tao lang ang nandoon pero mukhang isang baranggay ang nagsisisiksikan sa maliit na playground. Akala ko ay may sabungan nang nangyayari sa pagitan ng dalawang babaeng teenager pero nang madinig ko ang 'cut,' napagtanto kong umaarte lang pala sila.
Naibaba ko ang cap at yumuko sa gilid nang may paparating na tatlong teenager.
"Ang galing talaga umarte ni Irene, siguradong taob 'yong ibang section sa atin," patalon-talong wika ng isa.
Para pala sa school nila 'yon, film festival siguro. Buti pa sila, nagagawa nilang umarte na walang halong controversy sa buhay nila. Namimiss ko tuloy 'yong mga panahong nag-aaral pa ako, bukod sa matutuluyang bahay at kakainin araw-araw, ay grades ko lang ang iniisip ko. Nagkaroon nga ako ng bahay at sandamakmak na pera pambili ng pagkain, mas mabigat naman sa grades ang iniisip ko ngayon: reputasyon at kaligtasan.
Naglakad-lakad na lang ako, baka sakaling may makita akong playground.
Malapit sa isang condo ay may playground akong nakita, maliit lang 'yon at tanging dalawang swing at isang slide lang ang naroon pero pwede na rin dahil walang tao roon. Konti lang din ang dumadaang mga tao at wala silang pakialam sa isa't isa kahit na nasa iisang building lang sila nakatira.
Tutungo na sana ako sa swing kaso narinig kong may tumawag sa akin mula sa likuran, "Crystal?"
Hindi ko nilingon 'yon at nagkunwaring napadaan lang ako, muli n'ya kong tinawag kaya mas binilisan ko na ang paglalakad, mahirap na baka madinig pa ng iba at makilala nila ako.
"Natalie," nasadsad ko ang mga paa ko nang madinig ang pangalan ko mula sa tanging taong tumatawag sa akin n'yon.
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko s'yang nakasunod sa akin.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...