Crystal's P.O.V.
Nagsisiuwian na ang mga bata ngayon. Ang iba ay sinusundo na ng mga magulang nila. Pinupunasan ang mga pawis at dumi sa katawan, tinitingnan kung may sugat o galos ba. Niyayakap at hinahalikan kahit mga amoy araw na. Ang swerte nila, kasama pa nila ang mga mahal nila sa buhay.
"Anong ginagawa mo rito?"
Napatili ako sa gulat nang biglang may bumulong sa akin, "Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan?"
"Sabi mo kasi may pupuntahan ka, dito ka lang pala pupunta. Akala ko naman kung saan, tinanggihan mo pa --" sabi nya habang umuupo sa swing na nasa tabi ko
"Are you stalking me AGAIN? Wait, may gusto ka ba sa akin? Kaya ba gustong-gusto mo na ako ang maging leading lady sa pelikula mo para lagi mo kong makasama --"
"Woah! Slow down... First of all, AGAIN I'm not stalking you. Second, you're beautiful, extremely beautiful pero hindi kita gusto tulad ng iniisip mo. And obviously, hindi 'yon ang dahilan why I casted you. Nasabi ko na naman sa'yo ang TOTOONG dahilan, remember?"
"Kung ganoon bakit ka nandito?"
"Gaya ng sabi ko, I want us to hang out, you know magkwentuhan, kumain --"
"See you're asking me out."
"HANG OUT. Gusto ko lang na mas makilala pa kita. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na 'yong babae sa mga kwento ni lolo Ernesto ay 'yong babeng nasa harap ko ngayon," sabi nya saka itinuro ako.
"Hindi nga ako si Laura, ako lang ang GAGANAP kay Laura," sabi ko saka maya-maya ay tumayo at nagsimulang maglakad.
"Hey! Saan ka na naman pupunta?" sabi nya nang makita nya kong maglakad palayo.
Nilingon ko sya, "gusto mong 'maghang-out' tayo di ba? Pwes, tara na. Nagugutom na ako."
"Gusto mong makilala si Laura?" tanong nya habang kumakain ng ice cream. Tapos na kaming magdinner, uuwi na sana ako pero nag-insist sya na magdessert muna saglit.
"Oo, hindi ba dapat lang na mas makilala ko sya, since ako ang gaganap sa character n'ya. Mukhang kang maraming alam tungkol sa kanya..."
"You have a point. Ano bang gusto mong malaman tungkol sa kanya?"
"Si Laura... si Laura saka si Leonardo di ba sila 'yong magkasintahan sa kwento?"
"Oo, hindi mo ba nahalata sa mga part ng script na binigay ko? Sa bagay, hindi naman kasi sila gaanong kashowy sa relationship nila, since ayaw ng mga magulang ni Laura si Leonardo para sa kanya, isa pa komplikado rin kasi ang mga trabaho nila," paliwanag ni Jese.
"Aahhh... so si Leonardo pala 'yong tinutukoy ni producer Lance...ano namang komplikado sa trabaho nila? Dahil ba artista si Laura? Pero hindi naman s'ya ganoon kasikat."
"Sabhin na lang natin na hindi lang 'yon ang trabaho nila. Kahit na kilalang chef si Leonardo here in Manila, hindi iyon ang talagang trabaho n'ya as well as Ernesto. Being a famous chef and promising hotel entrpreneur is just a show. Yes, Laura dreamed to be a great theater actress but as time goes by she learned that there are uptime things that an actress can do, things and actions that she believe would benefit the common good," paliwanag n'ya.
"Okay... anong nangyare sa ending? Nagkatuluyan ba sila? I mean si Laura saka si Leonardo."
Hindi ako sinagot ni Jese at nagkibit-balikat lang sya.
"Ano?" pa-inosenteng tanong nya.
"Hindi ba dapat man lang malaman ko kung anong mangyayare sa character ko?"
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...