Chapter 45

7 2 0
                                    

Gumising akong dala pa rin ang mga panaginip na sabi ni Hambog ay alaala ni Laura. 

Sobrang sakit ng ulo ko, nakailang tulog ako kahapon na parang required 'yon sa pelikulang ito para matapos namin ang kwento ng tatlong 'yon.

Napahawak ako sa mga mata kong hindi ko pa man din nakikita ay alam ko nang namamaga dahil sa sobrang tulog.

Lalo akong napapikit nang ihawi ni Mimi ang kurtina sa bintana at doon ko naalala ang pag-uusap namin ni Hambog.

Sinubukan kong unawain ang mga sinabi n'ya kahapon mula sa kabilang linya pero wala namang sense ang mga 'yon. Isa pa, isa lang naman ang hinihingi kong kondisyon sa kan'ya, ang sabihin sa akin kung sino talaga ang traydor pero hindi n'ya magawa.

I already gave him a chance sa paniniwalang s'ya at ang pelikula n'ya ang makapagsasalba ng career ko pero umpisa pa lang ay binigo na n'ya ako. 

Dahil doon ay tinuloy na namin ni Mimi ang pagbalik sa Maynila.

Ayaw kong muling pagsisihan ang naging desisyon ko kaya hangga't maaari ay nililibang ko ang sarili ko sa iba't ibang bagay para lang hindi ko maisip ang alanganin kong career, ang panloloko ni Hambog, at ang kasalanan ko kay David sa pagdamay sa kan'ya sa kalokohang ito.

Nakarinig ako ng pagsigaw sa loob ng mansion at kahit hirap akong kumilos sa position ko ngayon ay tumingin ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. Pilit akong humarap sa kanan habang hawak pa rin ang mga paa ko.

"My star, anong ginagawa mo?" naghyhysterikal na tanong ni Dai sa akin habang nakatayo s'ya sa ceiling, "magpapakamatay ka ba? Hindi pa huli ang lahat, huwag kang mawalan ng pag-asa... teka, hindi ba pagmagbibigti, leeg ang nakasuspindi?

Doon ko napagtantong nasa gitna pala ako ng bow, isang aerial yoga pose. Hindi ko sinagot si Dai at tinuon ang atensyon ko sa babaeng instructor na nasa tv.

"Crystal, isa ka mang star, huwag mo namang gawin 'yan at baka maging falling star ka na," bitaw ni Dai ng joke n'yang siguradong hindi n'ya napagtanto na hindi nakatatawa at patuloy pa rin sa pagtawa.

Bumuntong hininga ako at binitawan ang mga paa ko saka dahan-dahang iniabot ang magkabilang seda para maiangat ang sarili ko.

"Ano na naman bang ginagawa mo rito?" tanong ko matapos makaupo at gawing parang duyan ang seda.

Isang buwan na ang nakakalipas nang bumalik ako rito sa Maynila. Bukod sa akin, kay Mimi, Jigs, at Dai, at kay Hambog ay wala pang ibang nakakaalam ng pag-alis ko roon. Halos isang libong mensahe na rin ang natanggap ko sa mga artista at staff na katrabaho ko nang mapansin nila ang bigla kong pagkawala sa shoot lalo na nang itigil ang taping dahil wala na silang makuhanan nang maayos ngayong wala ako roon. 

Sa lahat ng nagmessage sa akin, pinakamarami ang galing kay David at sumunod lang itong si Dai na ilang beses na rin akong pinupuntahan sa sarili kong bahay para kumbinsihin akong itigil ang pagterminate ng contract. 

Nagsimulang sumagot si Dai sa mas kalmadong pananalita nang abutan s'ya ng juice ni Mimi, "Nagsisimula nang magtaka ang mga tao kung bakit wala ka sa taping ng SARILI mong pelikula --"

"Hindi na nga ako babalik doon," putol ko sa kung ano mang gusto n'yang iparating.

"Crystal," tawag n'ya sa akin habang inihaharap ako sa kan'ya nang tangkain kong iikot ang seda paharap sa kabilang direksyon, "malapit na ang year end's ball, gusto mo bang pagkawala mo sa sarili mong teleserye't pelikula ang ibungad nila sa'yo paglakad mo sa red carpet?" patuloy n'ya sa pagsasalita nang bumaba ako sa nakabiting seda at tumungo sa kusina.

Pagod akong nilingon s'ya, "at tingin mo may balak pa kong pumunta sa ball na 'yan?"

"Syempre naman!" kampante n'yang sagot saka tinuro ang malaking kahon na nakalapag sa coffee table ko sa living area, "dumating na ang gown mo. Actually, kasabay nitong dumating si Mryanne. Pero syempre wala pa s'ya rito ngayon kasi may press conference na hinanda sa kan'ya, alam mo na --"

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon