"Ms Crystal!" dinig kong tawag sa akin, si Mimi, "paano kayo napunta rito?"
Gusto kong sabihin na 'yan din ang tanong ko sa sarili pero ayokong magmukhang weird sa kan'ya, "sumakay ako ng taxi syempre."
"Taxi?! Limang minuto lang ang layo nito sa hotel natin, bakit nagtaxi ka pa? Saka anong ginagawa mo rito? Hotel din naman ang pinagshoshootingan natin --"
"Pwede ba itikom mo 'yang maliit mong bibig, ang sakit na nga ng ulo ko kakaisip, dadagdag ka pa."
"Si direk Jese kasi bad mood ata, kanina ka pa n'ya hinahanap."
"Ako na ba ang susunod?"
"Ikaw na dapat kanina pa, nasabon na nga kami ni Don Jigs --"
"Sabi ko itext n'ya ko --" napahinto ako sa paglalakad nang makita ang 18 missed calls at 5 texts galing kay Jigs.
Iniabot ko na kay Mimi ang cellphone ko, ayoko na muna mag-isip ngayon baka tuluyan na kong mabaliw.
Bakit may hawak s'yang baril? Saan n'ya nakuha 'yon? Kanino at saan naman n'ya gagamitin 'yon? Manghoholdop ba s'ya ng bangko? Mayaman naman s'ya, mayaman naman ang best friend n'ya.
Bakit ganoon ang itsura n'ya? Parang isang pitik ko lang sa kan'ya tutumba na s'ya. Sinong gumawa sa kan'ya n'yon? Nakipag-away ba sila? Elegante s'yang babae, hindi n'ya gagawin 'yon.
Bakit magkasama sila ni Ernesto sa iisang kwarto? Akala ko ba si Leonardo ang kasintahan n'ya? Two-timer ba s'ya --
"Cut!" muntikan na kong matapilok sa sarili kong heels nang may madinig akong sumigaw.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni David na kaeksena ko ngayon.
Nasa labas kami ng hotel naglalakad-lakad, date nila ni Laura, namin pala sa pelikulang ito.
Nakatingin silang lahat sa akin ngayon pati si Ernesto na wala pang eksena ay nasa may gilid na rin at nanonood.
Anong ginawa ko? Wala naman akong ginagawa.
Ibinagsak ni Jese ang hawak n'yang script at tumungo sa pwesto namin, "what's going on?" iritadong tanong ni Jese.
"Okay lang ako," sagot ko kay David na patuloy ang pag-aaalala sa akin.
"That's already the fourteenth take. What is happening to you, Crystal?" kalmado pero may bakas ng pagkainis na tanong ni Jese.
"So-sorry, sorry," sabi ko, nakita ko sa sulok ng paningin ko na nag-uusap-usap ang mga crew halatang dismayado at hindi nagustuhan ang ginawa ko. Anong bang ginawa ko? Wala naman akong ginagawa.
"Kanina pa naglinya si David, anong bang nangyayare sa'yo?"
Alam ko na ang ginawa ko, wala akong ginagawa. Nakatunganga lang ako rito habang silang lahat ay in-character at nagshoshoot na.
"Namiss ko lang 'yong timing," sagot ko sa kan'ya.
"Timing? We've been shooting this scene for God knows how long. This is your first scene for the whole movie so if you will continue to MISS THE TIMING or whatever excuses you will come up with, no one will watch The Traitor at the end of this year."
"Madami lang akong iniisip --"
"And you think it's just you? All of us here have hundreds of thoughts running in our minds but the time won't stop just because of that," sabi ni Jese saka bumalik sa pwesto n'ya, "prepare for take 15."
"Magbreak ka na lang muna kaya?" tanong sa akin ni David nang makalayo na sa amin si Jese.
"Tingin mo makakapagbreak pa ko matapos ako sermonan ng inglesherong 'yan?" sarkastikong tanong ko sa kan'ya, saka muna lumayo para mag internalize, "may pa God knows, God knows pa s'ya, dinamay pa n'ya ang Diyos."
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomansaWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...