"Akala ko ba mayaman ka, bakit parang laging walang breakfast sa inyo?" natatawang sabi ng pamilyar na boses.
Tumingala ako at nakita ko si Ernesto na ngumingisi-ngisi.
"May audition ako ngayong araw at mas convenient kung dito ako kakain," sagot ko habang pinapanood s'yang umupo sa harapan ko.
"Ang sabihin mo, nandito ka kasi hindi ka pwedeng ihatid ng driver at bodyguard mo sa theater at baka malaman ni tito na hindi ka pa rin tumitigil sa pag-arte," sabi n'ya habang binubuhusan ng honey ang pancakes na nasa plato ko, "ano, minor role ulit?"
Nakapangalumbaba akong marahang tumango habang nginunguya ang pancake sa bibig ko. "Nastuck lang naman ako sa minor roles dahil kay Daddy. Ayaw na n'ya kong umarte lalo na ang gumanap sa mga main characters --"
"Paano ba naman kasi, against sa --"
Tinakpan ko ang bibig n'ya bago pa n'ya masabi ang gusto n'yang sabihin dahil baka may makarinig sa amin, lalo na ng mga pulis na malapit lang sa table ko.
"Ayaw ka lang mapahamak nila tito sa mga productions na gusto mong salihan," dugtong n'ya matapos kong tanggalin ang kamay ko sa bibig n'ya.
"Meron mang nagdidikta sa akin sa bahay at sa bansang ito na naglilimita sa mga pwede kong gawin, hindi pa rin nila maaalis sa akin ang passion ko sa pag-arte. If I cannot act, tingin ko mas may silbi pa sa akin 'yong mga patay," tila bulong kong paliwanag saka sandaling ngumisi, "kapag naging demokratiko na ulit ang Pilipinas, mag-auaudition ako sa kahit na anong gusto kong role at production."
Isinubo ko ang huling piraso ng isa sa tatlong pancake na nasa plato ko.
"Magkakaroon lang ako ng kalayaan kapag malaya na rin ang bansang 'to," dugtong ko bago sandaling humigop ng tsaa, "ikaw, babalik ka pa ba sa pagsusulat?" Ginalaw n'ya ang ulo n'ya saka humindi. "Balak mo ng magpayaman nang magpayaman gamit ang hotel na ito, ano?" tanong ko habang nakaturo pa sa kan'ya ang tinidor na hawak ko.
"Hindi. Kasi sa demokratikong bansa, ang gusto ko lang ay makitang masaya at kontento ang taong mahal ko," sagot n'ya saka hinawakan ang kamay kong may hawak ng tinidor at marahang nilapag sa lamesa, "na hindi na s'ya nasasakal ng mga taong nagdidikta at naglilimita sa kan'ya..." dugtong n'ya matapos n'yang alisin ang kamay n'ya sa ibabaw ng kamay ko, "na hindi na s'ya naiipit sa ano mang gulo," sagot n'ya matapos tapunan ng tingin si Leonardo na nagmamando sa kapwa n'ya chef.
Nilingon ko rin si Leonardo pero parang nahulog lang ako sa bangin at sa pagmulat ng mata ko ay nasa van na ako.
Nanaginip na naman ako.
Madaling araw na pala nang matapos ang taping namin kanina. Papunta kami ngayon sa next location namin at doon na mag-aalmusal. Tanghali kami magshoshoot ulit kaya naisip kong mauna na para mas mahaba ang pahinga ko roon.
Nakita ko si Jigs sa tabi ko, tulog na tulog s'ya at humihilik ng pagkalakas-lakas. Natanaw ko si Mimi sa front seat na naglalaway habang natutulog. Nasa tabi ni Mimi si Mang Jun, nakapako sa kalsada ang tingin n'ya kaya hindi n'ya napansing nagising ako.
Sinulat ko sandali ang mga napanaginipan ko para masabi ko ng mas detalyado kay Hambog.
Babasahin ko sana ang messages sa cellphone ko pero napansin kong ilang minuto na kaming nakahinto. Ala-sais pa lang ng umaga ngayon kaya imposibleng malala na agad ang traffic.
Tuluyan kong binaba ang kalahating bukas na bintana na naghihiwalay sa driver's seat at sa mga pasahero nito sa likod.
"Gising na po pala kayo ma'am," bati ni Mang Jun habang inaayos ang car freshener, "mabango ba ma'am? Noong isang linggo ko po 'yan nabili... ano na nga bang bulaklak 'to?"
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...