"Dito po talaga?" tanong ko sa babaeng nanghihingi ng autograph ko.
Kanina aalis na dapat ako kaso naalala ko yung bayad nya hindi ko pa pala nakukuha.
"Oo, dyan mismo," sabi ng ale habang nakangiti na kita ang giligid at nakaturo sa wodden chopping board.
Kahit natutuwa akong may mga fans pa pala ako, gusto ko ng matapos lahat ng ito at umuwi na lang kaya pinirmahan ko agad yung chopping board.
"Ito na po nay." Iniabot ko sa kaniya ang chopping board. "Pwede ko na po ba makuha --"
"Ay tamang-tama! Nandito ka na rin lang, tikman mo yung bago kong recipe. Halika, halika. Pumasok ka." Hinila na nya ako papasok sa bahay nya at hindi na ako nakatanggi.
Mukha namang normal na bahay yung meron sya. May maliit na sala set at dining area. Pinaka umagaw ng attention ko ay malaking picture ko sa gilid ng kitchen nya. May iba pang maliliit na pictures sa sala na hindi ko agad napansin. Karamihan ay galing sa national culinary competion nasinalihan ko noong nasa culinary school pa ako.
"Ang totoo po nyan, hindi na ako nagluluto --"
"Titikman mo lang naman, sige na..." nagbeautiful eyes pa si nanay habang ibinibigay sa akin ang mangkok.
"Si-sige po," sabi ko, minsan lang naman 'to at saka titkman ko lang naman.
Mukhang simple lang ang dish, may mga ready to eat clams na at may maliliit na patatas din.
"Malinamnam po, at tama ang pagkakaluto sa clams," sabi ko sa ale, "medyo matigas ang patatas pero lasang-lasa ang butter sauce. Mas masarap po ito kung may kanin."
"Naku! Kung ganon dito ka na maghapunan sa amin, parating na ang mga anak ko. Hindi sila makakapaniwalang tinikman mo ang luto ko." Kahit na masayang-masaya sya, kailangan ko ng umalis, ibabalik ko pa yung motor kay Kai.
"Pasensya na po, pero may pupuntahan pa ako, pwede ko na po bang makuha ang bayad?"
"Ay, oo nga pala --" kinuha ng ale yung pera sa kitchen counter at iniabot sa akin -- "ito oh..." kitang-kita ang lungkot sa mukha nya.
"Sige po, aalis na po ako," sabi ko saka naglakad palabas ng bahay.
"Ay David sandali!" Habol sa akin ng ale bago ako tuluyang makalayo sa apartment nya. "Pwede bang magpapicture at saka pirmahan mo naman 'to para sa mga kaibigan ko." Iniabot ng ale ang mga ilang papel.
Naawa ako sa kaniya kaya pumayag na ako sa gusto nya bago tuluyang lumabas ng building tutal baka ito na rin naman ang huling beses na mangyayari ito.
Pagkalabas ko ng building tinawagan ko si Kai, sabi kasi nya ite-text nya ko, pero wala pa rin akong natatanggap.
"Ayokong maistorbo ang date mo, pero pwede mo na bang sabihin sa akin kung nasaan ka, tapos ko na lahat ng deliveries at gusto ko --"
"Ravenbird, pumunta ka ngayon sa Ravenbird restaurant. Dalian mo ah," sabi ni Kai na akala mo mauubusan na ng hininga.
Siguradong may hihingin na namang pabor si Kai.
Pagkarating ko sa resto, pinark ko na agad ang motor. Sinubukan kong tawagan si Kai bago pumasok sa loob, pero nagri-ring lang yung phone nya.
Hindi naman ako nahirapang hanapin sya. Kasi sa bintana pa lang kita ko na ang pandidiri nya sa babaeng pilit na lumilingkis sa kanya.
"Come on, just one kiss," sabi ng babaeng pilit na idinidikit ang labi nyang pumuputok sa paggkapula sa mukha ng best friend ko.
"Sandali, sandali. Kumain muna tayo. Sandali lang," halos hindi na makapagsalita si Kai mailayo nya lang yung babae sa kanya.
Maganda naman ang babae, mukha ring mayaman. Pero hindi ganyan ang tipo ni Kai.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...