David's P.O.V.
"We can evaluate the value of a function, f(x) based on a given value of the independent variable, say x. We just need to --" Busy akong nagsusulat-sulat at nagdi-discuss, pero walang namang nakikinig ng maayos sa akin.
"Sir, ano pong values ang isu-subtitute?" Tanong ni Marian. May isa pa palang nakikinig sa akin.
"Yung values ng x, isu-subtitute sa equation ng f(x)." Kung hindi natutulog, nagdada-dalan naman sila.
Alam kong mahirap ang math. Pero mas magiging mahirap kung hindi sila makikinig ng maayos.
"Okay, okay. Tumayo muna ang lahat." Pumalakpak ako ng malakas, at medyo nilaksan ang boses, para marinig ng mga nasa likod at magising-gising naman sila.
Antok na antok ang karamihan, nakapikit pa nga ata ang iba noong tumayo sila.
"Dahil parang nagmumukha ng sleepover itong klase natin, magju-jumping jacks tayo!" sabi ko sa pinakamasiglang boses na kaya ko.
Nagjumping jacks ako at niyaya silang tumalon-talon din.
"Benedict, tumayo ka na dyan. Charl at Vince tigilan na ang kakareklamo at sabayan nyo na kami rito. Christoper, ayusin mo, dapat mas may energy pa!" Isa-isa kong nilapitan ang mga studyante na hindi nakiki-cooperate ng maayos. "Kung sino ang makita ko pa ulit na hindi nagju-jumping jacks ng maayos, magso-solve sya ng problem dito sa board." Lumapit ako sa blackboard at nagsimulang magsulat ng mga math problem na natalakay na namin.
Pagkatapos kong magsulat ng mga problem saka naman sila sunod-sunod na nagsihinto sa pagtalon.
"Ano yan? Gusto nyo bang magsolve ngayong araw?"
"Sir, kahit naman ilang oras kaming tumalon at isa-isa mo kaming papuntahin dyan sa blackboard, hindi pa rin namin mage-gets yan," sabi ni Charl. Ito talagang batang 'to, sya pa naman din ang class president.
"Oo nga sir, nagising nga kami, bobo pa rin naman sa math," sabi ni Benedict saka sila sabay na humalakhak ng bestfriend nyang si Elmer.
"Sige, iba na lang ang gawin --" Biglang tumunog ang cellphone ko. "Wait lang class." Lumabas ako ng classroom para sagutin ang tawag.
"Pre, tulungan mo ako," bungad sa akin ni Kai, bestfriend ko.
"Anong gulo na naman ba ang pinasok mo?"
"Mas malala 'to sa gulo, delubyo ang haharapin ko, kung hindi mo ko tutulungan."
"Kung magiging substitute mo na naman ako sa blind date na sinet-up sa'yo ni tita, harapin mo na lang yang delubyo na yan." Lumayo ako ng kaunti sa tapat ng classroom, medyo maingay kasi ang mga studyante ko, hindi ko gaanong marinig si Kai.
"Hindi pre, ako na ngayon ang pupunta. Kaso kasi pre..."
"Kaso... hindi ako papayag sa kung ano mang ipagagawa mo," dinig ko ang pagkainis ni Kai sa kabilang linya, parang gusto ko tuloy matawa.
"Matatanggalan ako ng trabaho, kung hindi ka pupunta rito!"
"Maghanap ka na pala ng bagong trabaho, ngayon pa lang," Kahit na napapatawa ako ni Kai ngayon, wala pa rin akong balak iwanan ang klase ko.
"Hindi pwede, papatayin ako ni mama!"
"Wag kang mag-alala Kai, papunta na sya ngayon dyan," sabi ni Ashley ng bigla nyang kinuha sa akin ang cellphone.
"Bakit mo ginawa yun?" bulong ko kay Ashley, co-teacher ko.
"Higit sa akin, alam mo na hindi titigil yang bestfriend mo. Isa pa, wag mo ng isipin yung mga bata, ako na lang muna magbabantay sa kanila. Ito at yung grade 8 class mo na lang naman di ba?" Lagi na lang nyang ginagawa 'to. Saulo na nga nya yata ang class schedule ko.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...