David's P.O.V.
Halos fifteen minutes pa lang ako naghahanap kay Natalie pero pakiramdam ko ilang oras na kong nagmamaneho sa ulanan.
"Nasan ka na?" tanong ko habang nagmamaneho.
Madilim na pero lalo akong pinapahirapan ng ulan na makita ang daan o si Natalie. May kasama ring hangin ang ulan kaya lalong naging mahirap ang mga sumunod na segundo.
"Natalie?" tanong ko ng may makitang tao sa gilid ng daan.
Agad akong huminto, kinuha ang payong na nasa passenger's seat at lumabas ng sasakyan. Medyo elevated ang mismong daanan ng mga sasakyan.
"Natalie," tawag ko sa taong nasa baba ng mistulang bangin gawa ng elevated ang kinatatayuan ko, "Natalie!" sumigaw ako para marinig n'ya ko.
Malapit s'ya sa puno at parang may hinihila mula roon, "Natalie! Nat-- Crystal!" nakailang sigaw na ko ng parehong pangalan n'ya pero parang hindi n'ya ko naririnig dahil siguro sa lakas ng ulan at hangin.
Bumababa ako at lumapit sa kan'ya, "Crystal! Crystal, anong ginagawa mo d'yan?" tanong ko habang bumababa palapit sa kan'ya, "masyadong malakas ang ulan, kung gusto mong bumalik ng Maynila ihahatid na lang kita o kaya ipagpabukas mo na -- ate gloria?"
"Oh David, bakit ka napadpad dito?" tanong n'ya habang pilit na hinila ang kung ano sa tabi ng puno.
"May hinahanap lang po ako, ano pong ginagawa n'yo rito? Ano po 'yan?" tanong ko sa kung ano mang hinihila n'ya.
"Ah, ito? Si Pepe kasi ayaw umalis dito sa tambayan n'ya," sagot n'ya habang patuloy na hinihila si Pepe.
"Pepe?" tanong ko. Nang makalapit na talaga ako kay ate gloria nakita ko ang isang itim na kambing. May tali s'ya sa leeg na pilit na hinihila ni ate Gloria.
"Pepe, huwag ka ng matakot sa ulan. Sige na halika na rito, Pepe," yaya ni ate Gloria sa alaga n'yang kambing.
"Tulungan ko na po kayo," sabi ko sa kan'ya saka dahan-dahang lumapit kay Pepe, "Halika na, Pepe. Tingnan mo wala ng ulan," sabi ko habang pinapayungan s'ya't dahan-dahang hinahaplos ang ulo't likod n'ya.
Nakailang unga at pagtanggi si Pepe hanggang sa kumalma s'ya at nagawa namin s'yang dalhin baba kung nasaan ang bahay nila ate Gloria.
"Nandito na tayo, Pepe," sabi ko kay Pepe habang sinusubukan pa rin s'yang panatilihin maging kalmado.
"Sino nga ulit ang hinahanap mo, David?" tanong sa akin ni ate Gloria matapos dalhin si Pepe sa mga kasama n'yang kambing.
"Si Natalie po --"
"Natalie? Ngayon ko lang nadinig ang pangalan na 'yan. Taga-rito ba s'ya?"
"Hindi po, galing po s'ya ng Maynila --"
"Nobya mo?"
"Hi-- hindi, hindi po. Kai... kaibigan ko po... Ito po ang itsura n'ya," sabi ko saka ipinakita ang picture ni Natalie.
"Nako, David. Hindi ko pa s'ya nakikita rito," malungkot na sagot sa akin ni ate Gloria.
"Sige po pala," sabi ko saka nagbalak na umakyat na sa kung saan ako nanggaling.
"David, doon ka na sa may hagdan dumaan," sabi ni ate Gloria habang nakaturo roon sa hagdan papuntang kalsada less than 20 meters away, "madulas na dyan baka maaksidente ka pa."
"Sige po, salamat," sabi ko saka pumunta sa hagdan na sinasabi ni ate Gloria.
Madulas ang hagdan dahil sa ulan at putik pero sa tingin ko mas madali kung dito ako dadaan kaysa sa dinaana namin ni ate Gloria kanina.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...