Chapter 19

22 8 0
                                    

Crystal's P.O.V.

"And all you need to do is read this," sabi ni Jese matapos pirmahan ni David ang contract at iniabot ang script.

Nandito kaming lahat sa bahay ko ngayon, atat na atat kasi si Jese na magsign ng contract si David. Mas malapit ang bahay n'ya at ni David sa bahay ko kaysa sa office ng agency ni Dai, makalat at magulo pa sa apartment ni Jese dahil kalilipat lang daw n'ya roon kaya hindi pwedeng doon kami magmeeting. Akala ko nga didiretso kaming lahat dito kahapon galing ng Aurora, mabuti na lang at naisip n'yang pagpahingahin muna kami galing ng byahe.

"Ngayon ko na talaga 'to babasahin?" tanong n'ya nang mapagtantong naghihintay kami na basahin n'ya na ngayon.

"Oo, ngayon na. Mukha bang hindi kami naghihintay na gawin mo na NGAYON din?" sarkastikong tanong ko.

"Okay..." sabi n'ya saka sinimulang basahin ang script.

Kada lipat n'ya ng pahina ay palapit naman kami ng palapit ni Jese sa kan'ya sa pag-asang anumang oras ay may maaalala na s'ya tungkol kay Leonardo.

"Tingin ko mga ilang oras pa bago ako matapos magbasa rito," sabi n'ya sa amin ng maramdamang ang lapit na ng mga mukha namin sa kan'ya.

"Ganon ba?" tanong ko matapos ilayo ang sarili, "kasali ka rito?" tanong ko kay Mimi nang mapagtantong nakikipagsiksikan din s'ya rito sa amin.

"Hindi miss," sagot n'ya habang nakangiti na parang aso, "'yong cellphone n'yo pala tumutunog," sabi n'ya saka iniabot sa akin ang cellphone na nakalagay sa bulsa n'ya at mukhang kanina pa tumutunog pero 'di lang namin nadidinig.

Galing kay Dai ang tawag. Lumabas ako  at nagtungo sa garden at sinagot iyon.

"Kasama n'yo na raw si Mr Rodriguez?" bungad sa akin ni Dai.

"He just signed the contract at ngayon binabasa na n'ya 'yong script," sagot ko sa kan'ya.

"Agad?! Hindi n'yo man lang ako hinintay? Sandali pupunta ako d'yan, gusto kong makita ang bago kong staaar --" pinutol ko na ang tawag bago pa mabasag ang tenga ko sa napakapanget na boses n'ya.

"Tapos na?" tanong ko nang makita si Mimi sa pintuan sa pag-aakalang tatawagin na n'ya ko.

"He's right, it will take hours to finish reading it," sagot ni Jese matapos sumulpot sa likuran ni Mimi.

"Ano naman ngayon?"

"I'm hungry, let's grab some lunch."

"Paano si David?"

"Bilhan na lang natin s'ya ng take-out. May alam daw si Mimi na masarap na kainan malapit dito," sabi n'ya saka hinila ako palabas ng bahay.


Naglunch kami sa isang chinese restaurant, a popular one actually.

"Miss, mauna na ko kukunin ko pa 'yong gown mo," sabi ni Mimi pagkalabas namin ng restaurant, tumango ako bilang sagot saka s'ya humiwalay sa amin ni Jese.

"What's the gown for?" tanong ni Jese habang naglalakad kami. Walking distance lang kasi ang restaurant na pinuntahan namin mula sa bahay ko.

"Exclusive lang ang event para sa mga talent ng network, kaya huwag ka ng mag-abalang alamin pa," sagot ko sa kan'ya saka ibinigay sa kan'ya ang take-out na inorder namin dahil nakakasira ng outfit.

"Well... malay mo bigyan nila ako ng invitation. Alam mo ba kung gaano karaming agency at NETWORK ang gustong manatili na lang ako rito sa Pilipinas -- Crystal, are you listening?"

"Huh?" tanong ko nang mapagtantong kanina pa ko nakatingin sa isang maliit na mamihan.

"Are you okay?" tanong n'ya.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon