Chapter 36

7 2 0
                                    

"What do you mean, you don't have it anymore?" tanong n'ya habang nagsasalubong ang dalawa n'yang kilay.

Dinala n'ya ko malayo sa putikang lupa. Marahil dahil ayaw n'yang malubog sa putik ang sapatos n'yang nangingintab na naman sa mga dekorasyon.

"Gusto ko lang hiramin 'yong notebook ni Tanda, ibabalik ko naman talaga sa'yo 'yon. Ang kaso noong kukunin ko na s'ya sa bag kung saan ko nilagay kagabi... hindi ko 'yon makita roon," dahan-dahan kong paliwanag. 

Teka, bakit ba ko nag-iingat sa mga salita ko? Wala naman akong ginawang masama, karapatan ko kayang malaman kung anong mga nakasulat doon.

"So you are implying that you lost it?" tanong n'ya ulit at aba, tinataasan n'ya pa ko ng boses. Nakikita ko na naman tuloy ang itim n'yang aura. Galit na naman ba s'ya sa akin?

Siniguro ko na madidinig n'yang mabuti ang bawat salita ko kaya nagtip-toe ako para medyo mapantayan ko s'ya, "teka, hindi ko winala ang journal ng lolo mo, NAWAWALA 'yon," pagtaliwas ko sa sinabi n'ya. "Magkaiba kaya 'yon," inis na bulong ko, ayaw ko na s'yang tingnan. Ako na naman ang masama sa paningin n'ya.

"When was the last time you saw it?" tanong n'ya pero mas kalmado na s'ya ngayon. Mabuti dahil kung hindi, wala na kong pakialam kung may makakita pa sa aking nakikipagsigawan sa lalakeng 'to.

"Kagabi, sa apartment ni David," sagot ko. Hindi ko pa rin s'ya tinitingnan, dapat lang sa kan'ya.

"Go back to David's apartment and make sure to find it," utos n'ya. Tututol pa sana ako pero madiin ang huling anim na salitang binitawan n'ya.

"Pagnahanap ko ba 'yon, hahayaan mo na kong basahin 'yon?" tanong ko saka s'ya tinapunan ng tingin, "sige, sabihin na nga nating ako si Laura sa past life ko. Kaya ibig sabihin n'yon karapatan kong malaman kung anong nangyare noon."

"Walang makakaalam sa atin ng mga nangyare noon if you keep on talking and doing nothing to find it," sabi n'ya saka iniwan ako at naglakad papunta sa kung saan.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalakeng 'yon!



Hindi ko pa nga nababasa kahit isang page o line man lang sa journal na 'yon hinahanap na agad ng may-ari... apo ng may-ari. At ang mas malala, nawawala pa yata.

Kaya ito ako ngayon palakad-lakad sa tapat ng apartment ni David. Nakakainis kasi 'yong Hambog na 'yon, gusto n'yang mahanap agad ang journal pero hindi s'ya sumama sa akin para maghanap. Hindi rin naman pwedeng bigla na lang ako pumasok sa bahay ni David at magsagawa ng search operation. Hindi ba talaga pwede? Hays... nakakainis!

"Si David!" agad kong tinakpan ang bibig ko matapos mabanggit ang pangalan n'ya, mahirap na baka bigla n'ya kong makita.

Wala pala s'ya sa apartment n'ya ngayon, naglalakad s'ya pabalik dito habang may kausap sa cellphone n'ya.

Nagtago ako sa gilid ng apartment building n'ya para hindi n'ya ko makita kapag pumasok s'ya sa loob. 

Sinilip ko kung nakapasok na ba s'ya pero natagalan s'ya sa labas dahil sa kausap n'ya sa kabilang linya, seryoso ang pinag-uusapan nila at bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala at pagkalito. 

"Sinong kausap n'ya?" bulong ko sa sarili ko, mahirap na baka bigla n'ya kong madinig.

Nagtago ulit ako dahil binaba na n'ya ang cellphone n'ya, binulsa saka nagpasyang pumasok sa loob.

Pero halos lumundag ang puso ko nang makita s'yang tumatakbo palapit sa direksyon ko. Agad akong nagtago at tumalikod. Wala na rin namang silbi kung tatakbo pa ko, gusto ko lang bigyan ng panahon ang sarili kong makapag-isip ng magandang isasagot sakaling tanungin n'ya kung bakit ako narito.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon