Chapter 17

28 9 0
                                    

David's P.O.V.

Lumabas ako para magpahangin at makapag-isip-isip, pagbalik ko wala si Natalie sa bahay.

Tinuloy ko ang pagbabalik ng mga pictures sa ddati nitong pwesto at nilinis ang mga kalat na ginawa n'ya. 

Kung nasaan man s'ya, siguradong babalik rin s'ya. Wala naman s'yang ibang pupuntahan, "na kay tito Pablo kaya s'ya?" 


Natapos na kong magligpit, nalinis ko na rin ang buong bahay pero wala pa rin s'ya.

"David? Kung inaantok ka, matulog ka na," narinig kong sabi ni tito Pablo sakto namang nagising ako sa pagkakaidlip na kanina ko pa pilit na nilalaban.

"Tito," tawag ko sa kan'ya.

"Ibabalik ko lang 'tong pinaglagyan ng ginataang sitaw at kalabasa," sabi ni tito habang saka inilapag ang plato sa lamesa, "dinalhan ko na rin kayo ng adobong pusit, mukhang nagustuhan ng nobya mo 'yong mga pusit kanina. Nasan nga pala s'ya?"

"Hindi n'yo s'ya kasama?"

"Hindi, pumunta lang s'ya sa bahay para manghingi ng ano bang tawag n'ya roon? Colored? Colored paper, ayon! Binigay ko sa kan'ya 'yong mga box na iniwan ni Sherley noong nakaraang bakasyon pagkatapos noon hindi ko na s'ya nakita --"

Hindi ko na pinatapos magpaliwanag si tito at lumabas na agad ng bahay. Pasado alas syete na. Medyo layo-layo ang mga bahay dito at walang ilaw sa mga daanan. Kung wala s'ya kay tito Pablo saan naman s'ya pupunta?

Nagtanong-tanong ako sa ilang kalapit na bahay.

"Nakita n'yo po ba 'yong babaeng kasama ko kanina?" tanong ko sa panglimang kalapit bahay na napuntahan ko.

"'Yong maganda mo bang nobya? Nako, hindi. Pasensya ka na --"

"Nakita ko si ate ganda may dala-dalang maleta. Akala ko nga po sabay kayong babalik sa Maynila," sabat ng anak n'ya na nakita ko kaninang hapon na niyayang makipaglaro si Natalie sa kan'ya.

"Maleta?"

"Opo, may dala pa nga s'yang maliit na bag, 'yong parang sa barbie ko. Nagkamali pa nga s'ya ng daan, doon s'ya sa palayan papunta. Buti na lang nakita ko s'ya kaya tinuro ko sa kan'ya ang daan papuntang bayan."

"Kung ganoon umalis na s'ya, bumalik na s'ya ng Maynila..."


Bumalik na ko sa bahay ng malaman na umalis na pala s'ya. Pero ilang segundo pa lang akong nasa loob ng bahay bumuhos na agad ang malakas na ulan. Wala ng masasakyan ng ganitong oras dito. Sira pa ang sasakyan n'ya kaya ano namang sasakyan n'ya?

"Posible kayang naglakad lang s'ya?" tanong ko sa sarili ko.

Lumalakas pa ang ulan. Hindi na ko nakatiis at pumunta kay tito Pablo para hiramin ang pick-up truck n'ya. Lumang model na 'yon at nangangalawang na ang bubungan at harapan pero maayos pa naman ang kondisyon ng makina at ibang parte kaya ginagamit pa rin ni tito lalo na kung sa bayan o sa ibang probinsya s'ya pupunta.

"David!" dinig kong tawag sa akin. Lumingon ako at natanaw ko sa di kalayuan si Manong Sepito kasama ang asawa n'ya na naglalakad palapit sa akin.

"Kamusta ang birthday mo?" tanong n'ya sa akin nang bahagyang malapit na sila.

"Po?"

"Nadinig ko rito kay Esther na magbibirthday ka raw ulit ngayon, sabi ko nga tamang-tama at ngayon ako umuwi mababati kita ng happy birthday. Happy birthday sa'yo David."

"Sa-salamat po... pero may naisakay po ba kayong babaeng maganda, mga ganito katangkad --" itinapat ko ang kamay ko sa kanang tenga ko -- "morena at mahaba ang buhok -- sandali, ito s'ya," sabi ko saka ipinakita ang picture ni Natalie na una kong nakita nang isearch ko ang pangalan n'ya. Tricycle driver si manong Sepito kaya baka naisakay n'ya si Natalie o kaya naman nakasalubong nya noong pauwi s'ya rito. Gusto ko lang malaman kung nakarating ba s'ya sa bayan ng maayos.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon