Chapter 7

51 15 0
                                    

Third Person P.O.V.

Madilim ang buong kwarto, maliban sa liwanag na nanggagaling sa t.v. na nakabukas. Ang isang parte ng pader ay puno ng mga larawan at article tungkol sa artistang si Crystal. Karamihan ay tungkol sa mga palabas at interview nya pero mayroon ding mga larawan na kinuhaan ng hindi nalalaman ng artista.

Sa harap ng telebisyon ay nakaupo ang isang tao. Animo'y haring nakaupo sya sa isang dark purple na high back single sofa. Isa-isang tinatapik ng mga daliri nya sa kanang kamay ang arm ng sofa habang pinapanood ang interview ng artistang si Crsytal na ipinalabas ilang taon na ang nakakaraan.

"Ms. Crystal, ilang taon ka pa lang sa industriyang ito pero gumagawa ka na agad ng ingay at sarili mong pangalan. Bukod doon tinagurian ka ring 'most beautiful face of the Philippines," sabi ng host ng talk show.

"Salamat." Ngumit sya at tumingin sa mga nanonood mismo sa studio, naghiyawan ang mga tao ng gawin nya iyon.  "Ang totoo nyan, hindi ako makapaniwala na artista na talaga ako, lalo na kung sasabihing sikat. Pero ang tagal kong pinangarap ito kaya talagang nagpapasalamat ako sa mga taong sumusuporta sa akin at patuloy na tinatanggkilik ang mga proyektong ginawa ko," pagpapaliwanag nya.

"Dahil napag-usapan na rin natin ang mga taon at pangarap. Pwede mo bang ikwento o sabihin sa mga manunood natin kung sino na sa tingin mo si Crystal five years from now? Ipagpapatuloy mo ba ang pag-aartista? O kaya naman i-e-expand mo ba ang fan base mo? Kasi balita ko, may ino-offer daw sa'yo sa America. Makalipas ba ang limang taon buong mundo na ba ang makakakilala sa napakaningning na si Crystal?"

"Totoong may ino-offer sa aking role and yes, American movie yun. Dinedevelop pa lang yung story kaya hindi ko sigurado kung kailan ipapalabas or magsisimulang magshoot. Besides wala namang official annoucement para sa role na in-offer sa akin, kaya hindi ko maipapangakong ilang taon mula ngayon ay makikita nyo na ako sa international screen." Huminto sya at nag-isip ng ilang segundo. 

Habang maiging nanonood ang taong nakaupo sa eleganteng sofa, tumunog ang cellphone nya.

Saglit nyang pinakinggan ang sinasabi sa kabilang linya.

"Okay, thank you," sagot nya ng matapos magsalita ang nasa kabilang linya.

"Para naman sa kung sino si Crystal five years from now, hindi ko kasi ugali ang manghula kaya siguro hintayin na lang nating dumating ang araw na iyon. At sabay-sabay nating kilalanin kung sino na ako sa taong iyon," sagot ng artista habang nakatingin sa camera.

Kinuha ng taong nanonood ang kalendaryo nyang nakapatong sa lamesang nasa tabi nya.

Ang buwan at taon ng kalendaryo ay ang buwan at taon ngayon. Lahat ng mga araw na lumipas ay nakamarka ng pulang ekis. Habang nakabilog naman ang araw bukas.

"Matatapos na rin ang paghihintay," sabi ng taong nakaupo habang nakatingin sa artistang nakangiti at tinututukan ng camera.

Minarkahan ng taong nakaupo ang araw ngayon ng pulang ekis.




Crystal's P.O.V.

"Crystal, iiwan ka na ni Marvin dito. Mahal na mahal mo sya, gusto mo syang magstay pero buo na ang desisyon mo Marvin. Okay isipin nyo yun, okay?" paliwanag ng direktor namin, "stand by for take," sabi nya bago pumunta sa likod ng monitor ng cameras na nasa kabilang kwarto.

"Stand by for take guys," ulit ng assistant director na malapit sa main camera na kukuha ng shot.

"Iiwan ako ng taong mahal ko," mahinang paalala ko sa sarili ko habang nag-e-enternalize.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon