AN:Hindi talaga ako marunong magpakilig.Kaya sorry talaga kung may mga corny at cringe sa chapter nato.Basta,basahin nyo nalang.Haha.
Happy reading 💕
Nagsimula nanaman akong manginig sa takot.Dahil sa kakarampot na tapang ko kanina.Nakalimutan ko nga kung sino talaga ang kaharap ko.
Dahil sa sinabi nya,wala akong nagawa kundi ang umatras palayo sa kanya.
Alam kong kaya nyang gawin ang bagay na iniisip ko.Kung kaya nya akong bugbugin,kaya nya rin akong patayin.Sigurado ako dun.
"Isang beses lang kitang nasaktan Rigel" saad nya "Pero bakit sobrang takot ka na sakin? Gusto kong humingi ng sorry sa nagawa ko.Pero pagnakikita ko yung takot dyan sa mata mo.Parang mas naiinis pa ako"
Lumunok ako ng laway.
"T-tigilan mo na ako Ardy" sambit ko "pleas,wag mo ng gawin sakin to"
"Bakit Rigel?" Tanong nya "Bakit kasi may mga uri ng tao kagay mo ang nabubuhay sa mundo"
Hindi ako sumagot.
"Bakit kasi sa lahat sayo ko pa to naramdaman?" Lumapit ang mukha nya sa mukha ko "Kung hindi mo ako kayang magustuhan.Pleas,tulongan mo akong alisin ang nararamdaman ko sayo.Ayoko nito,hindi dapat ikaw dahil ang lalaki ay para lang sa babae,naiintindihan mo bayun?"
"Pleas Ardy" mahina ang boses ko "wag mo na akong magustuhan.Wag mo akong gustohin dahil lalaki ako.Parehas tayo ng kasarian.Tulungan mo ang sarili mong mawala yan,dahil aaminin ko sayo to Ardy.Hinding hindi kita magugustuhan kahit kailan"
Matagal syang tumitig sakin.Yung tingin nya,para syang nasaktan sa sinabi ko.Kinakagat nya yung pang ibang labi nya habang inilalandas nya ang tingin nya sa buong mukha kong takot na takot sa kanya.
"Dapat naging babae ka nalang" kapagkuwan sambit nya "Hindi na sana ako mahihirapang magustohan ka.Bakit kasi sa mga kagaya mo pa e...bakit mga kagaya mo pa ang gumawa sakin ng bagay nayun"
Hindi ako sumagot sa kanya.
Umiwas nalang ako ng tingin,sa ilang pulgada kasi ng layo ng mukha namin sa isat isa.Konti nalang maglalapit na ang mga mukha namin.
"Halikan mo ako Rigel" kapagkuwan saad nya sakin na ikinatigil ko.
"A-anong sinabi mo?" Tanong ko.
"Ikaw naman ang humalik sakin.Para naman may pride pa akong natitira sa pagkadisipirado ko sayo.Pleas halikan mo ako Rigel"
Hindi ako gumalaw sa pwesto ko,hindi ako tumingin sa kanya.Kung kayat nagulat ako sa mga nangyari.
Bigla nyang hinawakan ang panga ko.Iniharap nya ito sa mukha nya at doon,inilapat nya ang labi nya sa labi ko.
Sya nanaman ang unang humalik sakin ilang segundong naglapat ang labi namin.Gumagalawa ang mainit na labi nya sa ibabaw ng labi ko pero ang sakin ay nanatiling hindi gumagalaw.
Pero pagkatapos nun,lumayo sya.Pagkatapos
naramdaman ko ang biglang pagsakit ng sikmura ko.Sinuntok nya ako sa tyan.
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...