CHAPTER 41

179 12 0
                                    

AN:Grabe hula ko tatlo o dalawang chapter nalang meron to.Pero dahil naging busy ako di ako makapagsulat.Kaya postponed muna hehe.

Pero guys tatapusin ko to unti nalang e.

Dalawang updates for you! Hope you enjoy

Happy reading 💕

Niro Pov'

Nakatitig lang ako kay Ardy ng ilan pang segundo,alam kong nakakainsulto ang sinabi nyang pagbati saakin.

Pero hindi ako mapakali,base sa kinikilos ni Ardy,sa salita nito.May alam kaya sya?

Posible kayang naghihintay lang sya ng tamang panahon para mailabas ang totoong lihim namin nila Tyron.

Napatingin muli ako sa kaibigan ko.Muli syang sumenyas na kumalma lamang ako.Tama kailangan kong kumalma dahil panigurado,pag sa oras na mahalata nila ako maghihinala sila sa ikinikilos ko.

Huminga ako ng malalim.Sakto namang napadako ang mata ko kay Daddy.He is looking at me,at parang gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan.

Siguradong hindi ko na makikita ang mga ngiti nyang punong puno ng pagka-proud saakin,pagnalaman nya ang lahat ng ginawa ko?

Hindi nya na ako matatanggap.

Medyo nagkaron ng ingay dahil sa sinabi ni Ardy.Binati ako ng iba dahil sa report paper na punong puno ng kasinungalingan.

Pasimple nalang akong napabuga ng hininga.Hindi ko pa sinasadya na mapadako ang paningin ko kay Ardy.Hinayaan nyang tila magdiwang ang lahat.Habang hindi itinatanggal ang kakaibang ngiti sa mga labi.

Hindi ko alam kung saan pa ako maiinis.Kung sa ngiti ba ng Ardy nayun.O sa minsanang pag tingin nya kay Rigel.

Malapit lang ito sa pwesto nya,busy parin ito sa pakikinig kay Jessi na masipag na itinuturo ang lahat na ng nangyayari kung paano pinaghahandaan ang isang meeting.

"Dont worry" saad ni Anyl sa tabi ko,napatingin naman ako sa gawi nya.

"Hindi kakainin ng kapatid ko ang Rigel mo" napangisi rin ito pagkatapos.Parehas sila ng kapatid nyang parang demonyo ang mga ngiti.

"Gentlemens pleas excuse..." narinig naming sabi ni Jessi,masuyo nyang nginitian ang lahat.Kinukuha nya ang atensyon ng mga ito."Alam nyo naman pong hindi lang tungkol sa tagumpay ng B&A ang pulong na ito hindi ba?" Natahimik ang lahat at natuon ang pansin kay Jessi.

"We have a lot of plans in this company,para mas maging angat pa tayo" tinignan nito si Hugo mula sa gilid "And ofcourse lahat po tayo imbitado sa passion show segment ni Mr.Hugo Lamvarde.Two weeks from now po,ilalabas na nya ang koleksyon nya sa intiblado.At hindi magtatagal.Mabibili na ito sa mercado"

Muling nagkaingay ang paligid.Lahat ay tila kinong-gratulate si Hugo na katulad ni Anjyl,nagbibigay lang ito ng pekeng ngiti at pinanatili ang profesional ayun sa galaw nito.

"Any concerns po Mr.Hugo" saad pa ni Jessi.

"Thank you" sagot naman ng sumunod,tumingin ito sa lahat kapagkuwan "Kilala nyo naman kung sino ako.Im not just a designer here but a shareholders too in this company actually...hindi sa pagyayabang but because of my collections,hindi rin aangat ang B&A right?"

Sarkastiko lang ang sinabi ni Hugo kung kayat natawa ang ilan.Pero maya maya ay saglit itong tumingin sa gawi ko.

Hindi ko yun naintindihan dahil may kung ano sa tingin nya.Pero kinabahan ako,hindi ko alam kung bakit tila lahat ng mga tingin sa paligid ay ikinakaba ko na.

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon