Im still confuse of what Niko's said.Kita ko sa mga mata nya ang insist na makapasok ako sa kumpanyang iyun.
The B&A clothing line company.
On behalf of my curiosity,I felt like he want to do something.May pagtataka ako.So I ask him kung ano ba dapat ang kailangan kong gawin dun.
Kung bakit sapat na para sa kanya ang makapasok ako dun para mabayaran ko na lahat ang mga malasakit nya saakin.
Pero isa lang ang narinig ko sa kanya.
"It is all about to change everything"
Nagiwan sakin yun ng malaking katanungan.Ano ba ang gusto nyang baguhin? At bakit sa kumpanya pa ng mga Barrenuevo,kung ang una palang ay sa mga Agribante nya ako gustong makapasok.
Ang gulo nya,kumplikado ang naiwang tanong sa isipan ko.Pero sa isang iglap,bago pa ako makapasok sa unang pagkakataon sa kotse na binili nya para sakin.
May magaan nanaman syang ngiti na tila nagpapabago ng atmosphere sa paligid.
Kapagkuwan ay hinalikan nya ako sa noo at sunod na nun.
"Ingat sa byahe" ani nya bago ilagay sa passenger sit ang mga gamit ko.Isang bag at yung envelope na hindi man lang nabasa ng ulan sa paglakad namin sa garahe.
"Madulas ang daan" dugtong pa nya "Be carefull,ok?"
Tsaka ko lang napansin ang tinatahak ko nang daan ngayon.Basa ang paligid.Malamig sa pakiramdam at tila napakagaan lang ngayong araw.
Maulan pero walang bagyo.
Gusto ko ang mga gantong uri ng panahon,gusto ko ang ulan.Pero hindi ang mabasa nito,ang patak lang nito sa paligid na tila nagpapagaan sa lahat.I feel like Im free,at the same time lonely,tamang panahon para makapagisip pa ako ng mga bagay bagay.
Matiwasay ang byahe ko,walang masyadong traffic kaya tuloy tuloy ang pagandar ng kotse.
Pero sa katiwasayan ng lahat,sa katahimikan ng paligid na tanging patak lang ng tubig ulan ang maririnig.At ang wiper na nagtataboy ng tubig sa salamin ng kotse.
Isang nakakainis na tunog ang aking narinig.Napalingon ako sa bintana,nagulat ako at hindi napigilang magtaka,lalo na nang mahunian kong isang motor ito.
Papalapit ito sa gawi ko,sa daan kung saan ako naroroon.
Nakakapagtaka na sa dulas ng kalsada,kaya nyang magpatakbo ng ganung kabilis.Pero ang mga sumunod na nangyari ay ang kusang nagpatigil sa pagmamaneho ko ng kotse.
Marahan ko sana itong ililiko sa isang daan kung saan mas konte ang sasakyang nasa aking harapan.Ngunit kasabay nito ang paglapit pa mismo ng humaharurot na motor mula sa malayo.
Sa isang iglap,parang kisap matang nadaanan nya ang sasakyan ko.Pero sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi maipaliwanag na pangyayari.Ang side mirror ng sasakyan ay bigla nalamang nasira.
Kusa itong natanggal sa pagkakabit at nakagawa ng malakas na ingay.
Napasigaw ako roon at napatigil sa pagmamaneho.Napansin ko din ang ilang kasabayan kong sasakyan ay nakuha ang atensyon dahil sa malakas na tunog nayun.
Nabasag ang salamain.Nagkalat sa daan.
Ang malas lang at walang traffic inforcer sa paligid kung kayat bumusina nalang ako ng malakas upang malaman ng mayabang na motor nayun na may napinsala syang sasakyan.
Ngunit ang akala ko namang makikinig ay nagpatuloy sa pagtakbo papalayo saakin.Kung kayat imbis intindihin ang nasirang side mirror.Minaneho kong muli ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...