CHAPTER 46

271 17 4
                                    

AN:Antagal na nasa draft ko tong update nato.So ilalabas ko na kasi antagal ko na ding nawala haha.Im so sorry for the long wait guys grabee...may work na kasi ang lola nyo at yeah,hindi ko talaga sya maisingit sa trabaho ko ngayon im sorry.Kaya kung sino pa balak magpatuloy magbasa nito at handang magantay ng update thank you sa inyo.

Sa mga hindi naman,may mga completed stories nako sa wall.Dun muna kayo ngayon.Maraming salamat po talaga kung maiintindihan nyo.Sana nandyan pa kayo pag bumalik ako.

Third Person Pov'

Sa paglipas pa ng dalawang taon,labing dalawang taon na sya.Sampong taon na si Anjie at syam na taong gulang naman si Rigel.

Ang buhay nila ay hindi nagbago,ngunit hindi naging malungkot dahil sa nabuo nilang pagkakaibigan.

Si Rigel,lagi parin itong pinapalo ng tatay nya.Isinisisi kung bakit bakla ang anak nya at hindi man lang makapaglaro ng basketbol.

Sa katunayan awang awa sya dito.Dumating sa punto na gusto nyang ipagtanggol ang bata ngunit wala rin syang lakas at karapatan.

Kaya naman mas minabuti nyang magbigay payo dito na magpakalalaki nalang para hindi na saktan.Subalit si Anjie naman ang nagbigay aral sa kanya na hindi daw kailangang baguhin ang sarili para lang tanggapin ng isang tao.

Dahil kung totoo kang mahal nito ay tatanggapin ka kahit sino at ano ka paman.Kaya naman naisip nya,na bakit sya? Hindi sya magawang tanggapin ng kanyang ama.

Kailangan nya bang manatili sa pagiging sarili nya para tanggapin ng ama? Isang batang hamog na habang lumalaki walang magulang ang nagpapalaki?

O kailangan nya talagang baguhin ang sarili hindi dahil para tanggapin sya ng ama nya.Kundi ang makapaghiganti dito.

Tama ang nasa isip nya.Kailangan nya ito sa buhay nya.Kailangan hindi sya isang batang hamog na pandidirian ng ama pagnagkita silang muli.

Kundi isang mayaman at mas kapangyarihang tao na magpapabagsak sa taong unang tumalikod sa kanya.

Lumalalim ang mga araw at ganun din ang nararamdaman nya sa batang si Anjie.Pero alam nyang hindi sya magtatagal sa lugar nato dahil alam nyang lilisanin nya ang Elqueson.

Iiwan nya ang lahat ng kakilala at magsisimula ng bagong buhay.

"Sandali e kailan naman?" Tanong nito sa kanya ng magkita sila sa isang bakanteng lote isang hapon."Bakit parang biglaan? Kaka graduate lang natin ng elementary diba? Sabi mo sa Saintjune kayo sabay na magha-highschool ni Rigel?"

"Biglaan e" sagot nya "Sabi ni mama,pagkagraduate ko daw ng elementary.Kukunin nya na ako.Dun na kami sa America,dun na kami titira"

Hindi nya tinangkang tignan ang mata ng bata.Alam nyang nagtatangis ito dahil sa sinasabi nya.

"Im sorry Anjie" saad nya "Pero walang permanente sa mundo.Hindi habang buhay magkakasama tayong tatlo.Ikaw nalang ang matitira dito sa Elqueson kasama si Rigel.At kahit patay na ang papa nya,at wala nang mananakit sa kanya.Pakiingatan mo parin sya…alam kong may tinatago kayong sikreto ni Rigel na kayo lang ang nakakaalam tungkol sa bukod na pananakit ng tatay nya sa kanya.Hindi ko nayun kailangang malaman.Pero gusto ko paring alagaan mo sya gaya ng pagiingat natin sa kanya dati…Rigel is so fragile"

Namatay ang ama ni Rigel pagkatapos din ng dalawang taon.Hindi nila alam kung magiging masaya sila o hindi dahil sa mga pinaggagawa nito sa sariling anak na si Rigel.

Lalo na't matitigil nadin ang kung ano mang ginagawa nito sa bata bukod sa pananakit nito.Si Anjie lang ang nakakaalam.At bilang isang matalik na kaibigan ay hindi nito sinasabi kung kanino.

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon