CHAPTER 42

167 16 3
                                    

Happy reading 💕

"Anong masasabi mo sa mga pinakita nila Ardy?" Kapagkuwan tanong saakin ni Tyron.

Kasalukuyan na kaming papasok sa isang building dito sa Antipolo.And I swear nagtaka ako kung bakit ganto kalayong lugar.

Antipolo is a small town,kahit city sya at lahat ng mga istructure dito ay modern na,may mga malls pasyalan at may malaking market na kadalasan din dinadayo ng mga mamimili.

Pero never kong nabalitaan na may ganto palang uri ng building sa lugar nato.Aaminin kong may kalumaan ito base sa kulay ng buong building.

Hindi narin maganda ang ilang mga structura at ang paligid ay hindi na ganon kaganda.Luma na ang mga kulay at disenyo nito ay hindi na ganun kaaya aya sa mga papasok.

"Sigurado kaba sa pinapasok natin Tyron?" Tanong ko,hindi ko na sinagot ang tanong nya kanina dahil natuon ang pansin ko sa paligid.

"What do you mean bruh?" Tanong din nito bago mapansin ang mukha ko."Wag mong sabihing nagdududa ka pa ngayon?...ngayon pa talaga na kailangang kailangan natin ang gantong offer?"

Napabuga nalang ako ng hininga.Hindi na ako sumagot.

Oo nagtataka ako sa tinatahak namin ngayon.Ngunit kailangan kong magtiwala dahil sa laki ng offer nito sa kumpanya.
Kailangan ito ng kumpanya ngayon,kumpara sa 50% na binibigay saamin ni Mr.Devanes.

Mr.Arrevalo is something.Ngayon ko nga lang sya mamemeet.At hindi man lang nasabi saakin ni Tyron ang tungkol sa kanya.Nabalitaan ko nalang sa opisina.

Pagkatapos lang din ng meeting ng umaga ay dumiretsyo na kami sa sinasabi ni Tyron.Here nga sa Antipolo.

Tinawagan kami ng isang babae sa telepono na nagpakilalang sikretarya ni Mr.Arrevalo.

Naisip ko,hindi ko na ito palalampasin pa.I need this offer lalo na't nasa bingit ang B&A.

"Wag ka na magalala bruh" sambi ni Tyron saakin pagkapasok namin sa isang opisina."we really need this,para sa kumpanya"

Hindi ko nanaman sya sinagot dahil sa pagpansin ko sa paligid.Para lang kaming nasa opisina ng isang matandang teacher dahil sa liit ng paligid.

May patong patong pa na parang papeles mula sa lumang aparador at halatang puno ito ng alikabok.

Really something here.

Mula pa kanina,hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.

"Ano ba tong pinapasok natin?" Ani ko,tumingin saakin si Tyron kapagkuwan ay napangisi.

"Ang itanong mo kung paano tayo pagtuluyang nawala ang kumpanya?" Ani nito "Kung saan tayo papasok na trabaho o may papasukan pa tayo? Wala nading matitira sayo Bruh' wala ka nang matatakbuan pagnagkataon.Wag kang magalala.Nasa tabi mo naman ako e"

Biglang sumagi sa isip ko ang mga consequenses na pwedeng mangyari.Ang mawala ang kumpanya,mawalan ng pera,mawala ang lahat...

Pati si Rigel...o matagal na syang nawala saakin?

Saglit akong tumingin sa gawi ni Tyron.Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya.Oo ngat kanina pang umaga ay si Tyron na ang halos magpaliwanag sa lahat.Hindi nya hinayaang tapak tapakan kami ng Ardy nayun.

"Speaking of Ardy" ani nito "Hindi mo ba napansin?"

Hindi ako umimik.Sa katanuyan hindi parin talaga ako makapaniwala.

"Bakit pinipilit nyang i-invest sa kumpanya natin ang shares ni Mr.Devanes sa kumpanya nya?" Dugtong nito "Atsaka sa 50% nayun? Pakiramdam nya ba magkakautang tayo ng loob sa kanya? How dare he huh? Atsaka si Rigel?"

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon