CHAPTER 54

184 18 3
                                    

AN; Hi folks,this chapter is part of the rising action,which means patungo na ito sa katapusan kaya hindi ko tinatapos ang bawat chapter.Kaya naglalagay lang akong ng To be continued chu chu' wala lang na share ko lang.

Sana subaybayan nyo pa ito hanggang dulo,dahil patapos na po tayo hehe.Maraming salamat sa pagsubaybay.Pero gaya ng dati di ako mag promise ng date kung kelan ang update so hintay nalang po.

Maraming salamat sa mga naghihintay at nagbabasa nito.

PS; Im currently writing napo yung last chapter,diko lang alam kung kelan matatapos hehe.I love you guys! Happy reading.

Rigel POV'

"Hindi mo matake ang nangyayari ano?" saad nyang muli "Hindi ka makapaniwala na ang mismong si Niro ang gagawa nito sayo.Na handa kang saksakin sa likod mo"

"Anong gusto mong gawin ko" tila nanghihina kong saad sa kanya "Para matapos nato Anjyl...pagod na pagod na ako sa lahat ng ito"

Tila natigilan si Anjyl sa sinabi ko.Hindi nya siguro inaasahan na ayun ang sasabihin ko sa kanya.

Tama naman kasi e,hindi ko na alam ang gagawin ko...ang gusto ko lang matapos ang lahat ng ito.

"You surprising me Rigel" ani nya "Hindi ko to inaasahan,pero kung yan ang gusto mo.Ibibigay ko para manahimik ka na.Para alam mona kung saan ka talaga dapat lulugar sa kumpanyang ito"

Nakita ko ang mga mata nyang tinignan ang kanina ko pang hawak na damit.Damit ito na pang Janitor at doon palang...alam ko na ang gusto nya.

"Just one day Rigel" ani nya "Sundin mo ang gusto ko,kung ayaw mong kumalat ang video na ito sa lahat at tuloyan nang masira ang pagkatao mo"

          Wala akong sinabi...katulad na parang wala nang buhay ang mga mata ko,ang katawan ko.Namalayan ko nalang na nandito na ako sa CR.

Pagkalabas ko ng pinto sa isa sa mga cubicle,tumambad kaagad sa harap ko ang itsura ko sa salamin.At wala akong ibang nakita kundi ang isang misrableng nilalang.

Ipinamumukha sa salamin sa harap ko kung ano na ako,nakita ko ang isang talunan,walang laban,at tila walang karapatan maging masaya.

Pumunta ako sa lababo,nang hindi bumibitaw ang mga matang nakatingin sa salamin.At doon unti unting pumatak ang luha ko.Kitang kita ko ang isang mukha na tila pinaksakluban ng langit at lupa.

Ang kaninang paghikbi ay unti unti nang nagging hagulgol.Bumalik saakin ang lahat ng alaala.

Lahat ng mga tinatagong sakit.

Mga alaala ito na kahit kailan siguro ay hindi ko matatakasan...dahil hindi ko alam na sa mismong pamilya ko pa makukuha.

Nakunpirma ko na mula sa mga bangungot ay may katotohanan pala.Totoo palang tinatabihan ako ni itay sa gabi.May katotohanan pala na nasa madilim talaga akong silid.Pilit hinahanap ang liwanag,totoo ang mga pagkalas ng sinturon.Ang boses ng pagtatahan pag umiiyak na ako dahil sa nararamdamang sakit.

Totoo palang pinaglaruan ako,ginamit at binaboy nang minsang itinuring ko nang ama...

At ang masakit,ang sarili kong ina na akala ko ay mahihingan ko ng tulong,na akala ko ay poprotektahan ako ay sya ring nagpapain saakin sa masamang bangungot ng aking ama.

Ang tanging mga dahilan,dahil sa labis na pagmamahal.

Hindi ko lubos maisip na grabe pala ang nagagawa ng isang pagmamahal lang,dahil handa nitong isakripisyo ang lahat kahit pa ang buhay.Hindi mo na nakikilala ang sarili,at kung anong mga mangyayari bukas basta ba nag mahal ka.

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon