CHAPTER 5

709 44 3
                                    


"Ayan tapos na!" Saad ni Anjie ng naikabit na namin sa wakas ang bandila ng mga bakla.

Hindi ako umimik sa halip ay napatingin nalamang sa gender flag na iyun habang hinihila nya ang lubid upang tumaas ito.

Hindi ko maintidihan ang sarili ko,may lungkot lang kasi akong nararamdaman dito.Masaya naman ako kanina kasi ito,may presentation na ang lahi namin.Dito pa mismo yun sa christian school na pinamomunuan ng mga rehilyosong pamilya.

Napapatanong lang ako sa isipan ko kung bakit sila nagsabit ng gantong uri ng watawat.Tapos bahagyang kinabahan lang ako dahil sa nabasa sa txt ni Niko at nalungkot dahil baka mas mabigat ang sasapitin ko dahil sa nangyari.'Saamin ni Ardy kanina.

Nawala ako sa samode dahil sa txt sakin ni Niko.Paano at saan nya nakuha yung video nayun?

Sino ang kumuha nun saamin at bakit ganun kaagad ka kalat?

Iniisip ko kung anong sasabihin ng school namin sa viral video nayun.
Lalong lalo na si Ardy?Sigurado akong mabubogbog na nya talaga ako dahil sa nangyari.

"Uyy bakla!" Pukaw sakin ni Anjie "Nangyari sayo? Bakit parang balisa ka?" Tanong nya na sakin.
Hindi ako umimik kung kayat sinundan nya yung mata ko na nakatingin lang sa bandila nayun.

Kapagkuwan ay kunot noong bumaling saakin "Ano problema? Bakit parang hindi ka masaya? Uyy,bandera nyo nayan.Dapat proud ka na mapepresent na ng school nato ang mga lahi nyo"

Tipid akong ngumiti.
"Masaya ako" sambit ko sa kanya.

"Hindi halata" sagot nya,"Bakit may kulang ba? Gusto mo ikaw ang isabit ko dyan?"

Tumawa sya pero hindi ko sya pinatulan.Kung kayat natigilan sya at sinapo nya na ako sa braso.

"Beshy. . . ano ba kasing problema?" Malambing nitong saad saakin.

Tinignan ko lang sya at sa halip sumagot.Saglit kung kinalikot ang phone na hawak ko at hinanap ang video na minention sakin ni Niko.

Post ito mula sa isang group page dito din sa school na ang admin ata ay ang mga babaeng may gusto kay Ardy.

Ipinakita ko ito kay Anjie at kagaya ng inaasahan ko.Nanlaki ang mga mata nya at gulat na napatingin saakin.

"San galing to!" Saad nya saakin "ano to? Bat may ganto? Kailan to nangyari?"

Nakita ko yung pagkagulat nya pero yung hindi ko naintindihan ay yung tila sakit na gumuhit sa mata nya.Para kasing may something sa video na hindi nya inaasahan na gagawa nun.

"Naghahalikan kayo dito ni Ardy" sambit nya ulit bago ibalik saakin ang phone "Pero kailan to? Sino naman ang kumuha nito?"

Umiling ako "Hindi ko alam" sagot ko "Maghihigit isang oras lang yan e.Pero four thousand na agad yung views?.Hindi ko alam kung sino ang kumuha nyan,siguro isa sa mga kaibigan ni Ardy"

"Hindi to biro Rigel" sambit nya at napansin kong inilibot nya ang mata nya sa paligid.Kapagkuwan ay tumingin sa banderang sinabit namin kanina.

"Wait" sambit nya bago nya kunin sakin ang phone ko at muling tignan ang video "Yung gender flag to ah?" Tanto nya at napatingin saakin.

"Ano to Rigel? Binalot nyo sa katawan nyo yung gender flag tapos nakipaghalikan ka sa kanya"

"Hindi no" mabilis na dipensa ko "Pinagtripan nya ako kanina Anjie,sasabihin ko yan sayo pero napukaw yung pansin ko kay Niro.Pramis,magkekwento talaga ako sayo"

"So kanina lang to nangyari?" Tanong nya sakin.

"Oo,yung ikakabit ko yung bandera,dumating sya akala tutolungan nya ako yun pala pagtitripan nya lang ako"

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon