CHAPTER 29

219 19 5
                                    

AN:Last updat.Sorry sa mga errors sa mga chapters.
Tamad ako magedit hehe.Hindi ko din alam kung kelan uli mag update.Just bare with me nalang.
Manggugulat nalang ako hehe.

Happy reading 💕

Niro POV'

Nasa gitna parin ako ng isang malawakang pag iisip.

Para akong nasa kawalan at tila hindi ko alam kung anong gagawin ko.kung saan ba ako magsisimula.

Malaki ang epekto ng muling pagbabalik ni Rigel.Bakit ba kasi sya muling nagpakita saakin?

Ano bang plano nya? Anong gusto nya?

Gaganti ba sya sa tangka ko noong paggamit sa kanya.

Kasabwat nya ba si Niro?

Plinano ba nilang gulohin ako?

Malapit na akong sumabog sa sobrang pagiisip.Kaya naman bago mangyari yun,hinubad ko lahat ng damit ko.

Basta ko nalang itinapon yun kung saan.Kasama ng makalat na higaan,gusot gusot na kobre kama.

Wala akong pakialam sa hubad kong katawan.Sa nagmumukhang bodega na condo na ako lang din ang laman.

Pagod ang katawan ko,nagiinit ito at gusto kong magpalamig.
Nararamdaman ko parin kasi ang sakit ng ulo ko dahil sa alak kagabi.Kasabay nun ang pagiisip ko sa dalawa,na hanggang umaga ay iniisip ko padin.

Ginugulo nila ako,pinagaalala at...pinagiisip sa mga pwede nga ba nilang gawin.

Kaya ngayon,bago pa ako kainin ng mga pagiisip nayan.Bago pa ako mabaliw,at mawala sa aking sarili.Hinanap ko na ang banyo,nang matagpuan ko to.Agad kong binuksan ang shower.

Binugaw ako ng malamig na tubig nito.Inaasahang mapapakalma ang sarili at mawawala ang init.

Hinayaan kong lamunin ako nito.Gumaan naman kahit papano ang aking pakiramdam,kung kayat saglit na nawala ang mga iniisip ko.

Pinikit ko nalamang ang aking mga mata.Dinama ang malamig na tubig na bumabalot sa aking katawan.Pinakinggan ang tunog ng pagpatak nito,tsaka ko naramdaman ang katamihikan.

Yung katahimikan ng pagiisa.Oo,magisa na nga lang pala ako.Wala ako maasahan na pwedeng takbuhan pagnararamdaman kong malungkot ako.At natatakot.

Kaya naman hindi ko mapigilan isipin ang unang naging kaibigan ko.Yung unang nasabihan ko ng problema,naging karamay ko sa takot at lungkot.

Nagbabalik ang alaala nya bilang kaibigan ko.Nagbabalik ang alaala na minahal ko sya,na nakita ko ang sarili ko na napapalapit na sa kanya.Nagbabalik ang alaala ng unang pagibig ko sa taong yun.

At hindi ko maiwasang mapangiti ng malungkot.

"Ardy..." Sambit ko, "bestfriend ko dati si Ardy?"

Natatawa ako sa naiisip,hindi makapaniwala na dati pala.Bago pa maging ibang tao kaming dalawa.Naging karamay pa pala namin ang isat isa.

Naging magkaibigan kami ni Ardy,at kung siguro hindi nangyari ang disgrasya nayun.

Magkaibigan parin ba kami hanggang ngayong dalawa?

Mas madali ba ngayon ang buhay ko dahil alam ko kahit papano may kadamay ako.May taong naniniwala at nagtitiwala saakin.

"Whats happening to me" ani ko.
Napahinga nalang tuloy ako ng malalim.

Binale ko nalang ang iniisip ko.Kapagkuwan ay napabaling sa braso ko.

Unti unti,napangiti ako.
Kapagkuwan ay marahan kong hinimas ang peklat mula rito.

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon