CHAPTER 47

233 18 3
                                    

AN:HELLO GUYS! Thank you for the long wait.now I already update this story I hope you enjoy this one.By the way hindi ko na talaga papahabain tong istorya nato.Since matagal na kayo naghihintay,kailangan na nating tapusin.

Hindi ko alam uli kung kelan ako magupdate.But dont worry mangugulat nalang uli ako.

Expect the wrong spelling,grammar etc ahead.Thank you!

Enjoy reading 💕

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko,sandaling napatitig sa isang mensaheng hindi ko alam kung saan nanggaling.

Text message from unknow;
Hi! This is me,kung naalala mo pa ako o hindi isa sa naalis sa isip mo.I know what happen to you,I know what happen to may bestfriend slash my sister…Rigel,ako to si Anjie at miss na miss ko na ang bestfriend ko.*

Kanino galing ang text message nato.Pinilit kong isipin.Sandali kong hinukay ang ilalim ng isipan ko kung sakali mang may alaala pang natitira mula sa taong ito.Malakas ang pakiramdam kong parte sya ng nakaraan ko.

Sandali akong napatitig sa kawalan.

"Rigel…we need to scape" rinig kong sabi ng isang boses bata mula sa isip ko.Sandali kong binitawan ang cellphone na hawak ko.

Ang boses nayun,pamilyar sakin.Ang maliit at malambing na boses nayun,naalala ko'

"sumama ka na sakin…tumakas tayo mula sa papa mo"

Parang malinaw ang boses nya.Sariwa sa pandinig ko.Parang kahapon ko lang narinig.

Hindi ko tinuloy ang pagtayo sa kama.Umupo ako sa gilid nito.Hinawakan ko ang dibdib ko,kapagkuwan naramdaman ko nanaman ang mainit na luha sa mga mata ko.

Ayokong isipin,ayoko ko na sana magulohan pa.Napapagod nakong umiyak..ubos na ang luha ko kung kayat kung ano man ang nakakatakot na alaala nayun.Kung ano man ang kakaibang hatid sakin ng boses batang yun,ayoko na sana isipin.

Ngunit muling tumunong ang cellphone ko.

Sanadali akong napatitig sa screen nayun.Tumatawag ang numerong kanina'y naghatid lang sakin ng mensahe.

Hindi ko alam kung may sariling buhay ang mga kamay ko.Namalayan ko nalang na sinagot ko na ito at nakatapat na sa tenga ko.

Nanginginig ang boses kong nagsalita."H-Hello…sino to?"

"Rigel…" 

Bahagya akong napasinghap.Ang boses na nga yun.Pamilyar yun,hindi ko nalimutan dahil naalala ko.

Hindi ko sya nakalimutan.Hindi sya naalis sa alaala ko.

"A-Anjie?" ani ko. Hindi ko alam kung san ko nakuha ang pangalang binanggit ko.Pero sa pamilyar na boses nya,pamilyar din ang may ari ng pangalan.

Narining kong humikbi ang boses sa kabilang linya.Naiyak din ba sya.

"Naalala mo ko?" tanong nya "My baby sister?…natatandan mo ako,my bestfriend"

Sa malambing na boses nayun.Pumasok sakin ang alaala lahat ng kasama ko sya.Kahit hindi ako sigurado kung sino ang nasa kabilang linya.

Pinatunayan ng alaala ko ang samahan naming dalawa.Mula ng mga bata pa kami…mga paglalaro,pagiyak,pagtawa.

Katunayan lang nun,parte sya ng nakaraan ko.

"H-Hindi kita nalimutan" sagot ko,sigurado na ako "Alam kong may malaking parte ka sa buhay ko na hindi ko pwedeng malimutan.Anjie…my bestfriend slash my sister"

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon