Happy reading 💕
Rigel Pov'
Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nga ba ako pumasok sa kumpanya.Tinaganong ko ang isip ko kung bakit nagpatalo ito sa puso ko na gawin ang bagay nato.
Alam kong kumplikado na ang lahat.Alam kong hindi na ito ang tamang panahon para saamin dalawa ni Niro.
Hindi na importante kung malaman kong sya talaga ang nasa panaginip ko.Hindi na importante na sigurado na ako na isa sya sa nabura sa alaala ko.Hindi na importante kung sya yung pinakamahalagang taong naiisip ko bago ako mawalan ng alaala.Hindi na importante kung sya yung nasa huling isipan ko bago mawala ang lahat.
May mga bagay na hindi na importante sa ngayon.May mga bagay na hindi na kailangan bigyan pa ng pansin.
Kahit pa na malaman kong Niro always keeping our memory wayback before.Hindi na ako interesado kung malungkot o masaya ba ang nangyari saamin dalawa noon.
Wala nang importansya ang tungkol saamin ni Niro.Ang maganda nalang ngayon ay nalaman ko na ang lahat kahit wala pa akong masyadong naalala.
Nalaman ko na si Niro at ako ay dating may nakaraan na kahit kailan ay hindi na mababalikan.
Isang alaala nalang siguro si Niro na kahit nabura sa isipan ko ay naalala parin ng puso ko.Nakita ko na kung paano kakumplikado ang lahat.Nakita ko na ang mga galit na dapat hindi na pausbongin pa.
Muntik na ako kahapon,hindi maganda na nakikipag away ako dahil lang sa isang lalaki.
Naapreciate ko nadin si Niko,na ngayon ko lang nalaman na andami palang nagawa saakin to stay with him.Ang dalawang tao nayun.Si maam Anjyl at si Niko,ay nagmamahala lang ng tapat at totoo.
Handa silang maging masama para lang mapabuti ang relasyong iniingatan nila.
Handa silang isakripisyo ang lahat at ibigay ang lahat to make someone stay beside them…
Pero bakit?-lagi kong tanong yan sa sarili ko.
Bakit nandito ako ngayon? Kinu-question nanaman ang sarili ko kung bakit,nandito ako sa tabi ni Niro.
Hindi ko alam kung bakit sa unang yaya nya palang saakin sa kumpanya ay pumayag na ako.
Hindi ko alam kung bakit naapreciate ko lahat ng ginagawa nya.Yung paghawak nya sa kamay ko pagaalis sa studio…sa harap ni maam Anjyl.Yung pagtatanggol nya saakin sa lahat na parang hindi nya kilala si Maam Anjyl na handang pumatay dahil lang sa selos.
Nakita ko kagad yung pagod at tila lungkot nya sa mukha nang hindi sya makapagisip ng tama.Sinuntok nya pa ang desk work upang maibsan ang tila inis na nararamdaman.
Naawa kaagad ako sa dugong dumaloy sa kamao nya.Natakot agad ako nang pagod syang napaupo sa swivel chair.
Pero ang nakakagulo,gumaan naman ang loob ko nang hawakan nya ang kamay ko.Masuyo yun at may ingat ngunit mahigpit na tila ayaw nya mawala.Ang paghagod nito sa kamay ko mula sa pisngi nya.
Ang mga titig nya saakin na tila nagpapalambot saaking kalamanan.At ang binitawan nyang salita to make me stay beside him.
"stay with me Rigel" malambing nyang ani bago tumingin sa mga mata ko "Lets win this battle.
Wag mokong iiwan…sabay tayong lalaban"
Lahat lahat nang yun naapreciate ko,nasa isip ko parin kahit patulog na ako.
Hindi ko alam kung bakit sa mga simpleng ginagawa nyang yun tila mas matimbang pa sa ginawa ni Niko.
Ginagawa ni Niko ang lahat at nangako syang gagawin pa ang lahat saakin.Pero para lang sa katumbas na mga ginawa ni Niro?
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...