CHAPTER 30

256 15 6
                                    

AN:Hello guys,this is me again Hffmanfirefly.Sorry kung halos one month uli ako nawala.Andami kasing nangyari but dont worry,mag t-two updates ako para sa inyo.Sana nandyan pa kayo at may nagbabasa pa.

Happy reading 💕

30

Rigel POV'

Nakatitig lang ako sa puting sobre na nasa bedside table ko ngayon.Kakatapos ko lang maligo,nagbihis at nagayos ng sarili.

Hindi ko alam kung anong oras na,kung male-late na ako sa pupuntahan ko.Basta mas pinili kong titigan ng ilang minuto ang sobre na nasa harap ko.

May laman itong pera,ten thousand pesos.Sobra na ata sa pagpapagawa ng side mirror na nasira kahapon.

And I think,mukhang matapobre ang taong yun.Wala akong pakialam kung sino ang naka motor nayun na nakasira ng salamin sa kotse ko.

Pero ang importante ngayon nabayadan nya na ito.Hindi ko man siningil.Ang importante may kusa sya.

Napabuga nalang ako ng malalim.

Hindi ko alam kung gagalawin ko pa ba ang pera nato.Alam ko naman na kahit maginsist akong bayaran ang damage ng kotse kay Niko.Hindi nya ito tatanggapin.

Kaya naman pinili ko nalang ito itabi sa box ko sa loob ng kabinet.

Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sakin pero hindi ko magawang alisin ang ngiti ko sa mga labi.

I want to mock that motorcycle pero mukhang iba ang kinikilos ng katawan ko.

Kaya naman bago pa ako kainin ng kabaliwang ito.Tumayo na ako sa kama at lumabas na ng kwarto.

Papasok na ako sa kusina nang salubongin ako ni mama.Napansin kong nasa kusina na pala si Niko at naghahanda ng almusal pero mas pinili ni mamang hilahin ako sa braso upang magtungo sa sala.

"Nakita mo na si Ardy Agribante?" Kapagkuwang tanong nya "Sabihin mo anong ginawa nya sayo?"

Hindi agad ako nakaimik.Imbis napaiwas ako ng tingin habang napabuga ng hininga.

Mabilis bumalik ang naramdaman kong kaba at takot ng marinig ko ang pangalan nito.

"Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya maalala" saad ko "Basta,natatakot ako sa kanya.Hindi na ako magsisinungaling,pero naaalala ko sa kanya si tatay"

"May ginawa ba sya sayo?" Ulit na tanong nya "Sya ba ang dahilan kung bakit takot na takot ka paguwi mo kahapon? Yung kotse,anong nangyari don? At bakit hindi ka natanggap sa trabaho anak?"

"Ma…" Pagod kong ani "Hindi ko alam,nagsama sama ang feelings ko kahapon.I dont know what happen.Tapos…" Hindi ko natuloy ang sasabihin ng maisip ko muli sya.

"Tapos ano?" Tanong ni mama.

Bumuga muli ako ng hininga "Yung Niro"

"Niro Barrenuvo?" Kunot noong ani ni mama.

"Yeah,si Niro Barrenuevo.Nagkita kami kahapon" sagot ko.

"Malamang sya na ata ang presidente ng kumpanya"

"Alam ko pero iba ang naramdaman ko sa kanya e"

Saglit na napatitig saakin si mama.

"Anak,alam kong ok ka pa naman diba?"

"Yes naman po ma" sagot ko "Pero you know,iba ang naramdaman ko sa kanya.Sya yun e,hindi ko alam pero ma"

Ako naman ang napatitig kay mama.

"Sya po yung taong nasa panaginip ko" saad ko "Sya yung taong nagaabot ng palad saakin sa tuwing natatakot na ako sa panaginip ko.At ngayon,

lumitaw na ang mukha nya.Nung araw din na nakita ko si Niro,sya pala yun.Nagpakita na sya.May mukha nasya sa mga panaginip ko"

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon