CHAPTER 17

342 26 9
                                    

AN:Sa apat ka chapters na ilalapag ko.Tapos na ang first plot.Sa chapter 21,tawid na tayo sa ten years late...makikilala nyo na ang mga CEO ng buhay ni Rigel.

Happy reading 💕


Rigel POV'

Kumakabog ng mabilis ang puso ko,punong puno nanaman ng kaba ang katawan ko.

Mula sa madilim at malamig na kalye sa loob ng village namin.Hinahabol nya ako.

Para syang halimaw,hindi man literal pero ganun ang pakiramdam ko sa kanya.

Natatakot ako kung kayat kailangan kong tumakbo ng mabilis.Dapat matakasan ko sya dahil sa oras na maabutan nya ako,siguradong magiging lantang gulay ang katawan ko dahil sa mga suntok at sipa nya.
Magmumukhang painting board sa pasa itong mukha ko dahil sa bangas na binibigay sakin.

Kaya ginawa ko ang lahat para makalayo sa kanya.Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makatanlaw ako ng liwanag.

Ang bahay nanamin yun.Kaya paunti unti nagkaron ako ng pagasa na mas bilisan pa ang pagtakbo.Hinawi ko ang namumuong luha ko si mata dahil sa kaba at takot.Habang papalapit ako,nakitang nagbukas ang gate ng bahay.

Lumabas si mama na may dalang isang plastik ng basura.Itatapon nya ito sa basurahan para madaanan ng truck sa gabi.Nang masilayan ko ang walang muwang na si mama.Lumawak ang ngiti ko.

"Mama!..." Tawag ko sa kanya,lumingon sya sakin,napangiti.Napangiti rin ako dahil alam kong safe na ako.Nandito na ako sa bahay.Kasama kona si mama.

Hingal na hingal akong huminto.Napatanday ang dalawang kamay ko sa tuhod dahil sa pagtakbo.

Hingal na hingal.

"Oh Rigel,andito ka na pala anak,bakit naman nagtatakbo kayo?" sambit nya sakin bago bumaling sa isang pang direksyon."May kasama ka pala anak? Sino yan,kaibigan mo o kaklase"

Natigilan ako sa sinabi ni mama.Unti unti,napalingon ako sa direksyon ng tinuran nya.Si Ardy,malalaki ang ngiting gawad kay mama.

Nagtaka,tila umurong ang dila ko.
Ganun ba sya kabilis tumakbo?

Akala ko naiwan ko na sya sa daan.

Paanong nandito na agad sya? Para syang kabuting biglang sumulpot kung saan.Namalayan ko,nasa tabi ko na sya.Maamo ang mukha pero halata ang hingal sa pagtakbo namin.

Tinatago ang bangis sa ngiti nya.

Anong ginagawa nya? Anong balak nya? Wag nyang sabihing sasaktan nya ako sa harap ng nanay ko?

"H-Hi po tita" sambit nya.

Muli ko syang tinignan,saglit na saglit lang yun.Pero nakita ko ang maamong mukha na hindi ko nakikita sa kanya kahit kailan.Tila totoong mabait syang bata na ani mo'y walang ginagawang kalokohan.

Ano bang binabalak nya? Dyos ko,baka saktan nya din ang mama ko.Wag naman po sana.

"Good evening po" dugtong nya pa.Nakangiti parin si mama,hindi pansin ang hingal at tensyon saming dalawa ni Ardy.

"Ikaw naman Oryo,bakit hindi mo sinabing magsasama ka pala ng kaibigan?" Saad ni mama sakin "Edi sana naghanda ako"

Ngumisi si Ardy.
"Ayy hindi napo tita" sagot nito "Actually,saglit lang kami ni Rigel diba? May ikokonsulta lang po ako sa kanya"

Bumaling sakin si Ardy.Tapos nakita ko yung ngisi sa mata nya.Yung ngisi nayun,hindi ko gusto.Dahil alam ko ang konsultang sinasabi nya.

Siguradong masasaktan ako kaya dapat makagawa ako ng paraan.

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon