AN;Sobrang tagala ba?! Ako din natagalan e hahah.May inaasikaso lang ako-nagaapply na kasi ng work hehe.Diba sabi ko last time last 5 chapts tapos na tayo but not.Hindi ganun kadali italbog ang kwento.So I currently doing the third plot of this story-kung ilang plot plotan naba nagawa ko dito hahaha.
But here,nasa utak ko na ang ending.Hindi ko lang magawa dahil ayokong masira at magulo ang kwento na parang minadali.I hope maghintay pa kayo ng ilang updates pa.Tenk youu
Love you guys! And..
Happy reading 💕
Anjyl POV'
Siguro nahulog ang panga ko sa kakatig kay Ardy dahil sa sinabi nito.Hindi ko maabsorb at literal na naiinis ako.
For six years ito parin sya?
Tanga tanga.
Nagpapakatanga.
Handang maging tanga.
'kagaya ko?…
Tama ang iniisip ko sa kanya.Hindi pa talaga sya nakakamove on sa faggot nayun.Hindi ko na nga kilala ang kapatid ko.
Hindi ko na nga alam kung umiiyak pa to kay Rigel sa gabi e.He is too silent to know,hindi ko alam na may ganto parin pala syang plano.
At hindi ako papayag.
Kaya naman mabigat ang kamay kong hinampas ang dibdib nito.Bahagya syang nagulat sa ginawa ko at napadaing.
"Kala mo hindi ko napapansin?" Inis kong ani "kala mo hindi ko ramdam ang gusto mong gawin?"
"Why?" Malaming na tanong nya.
I smirked "Baliw ka na Ardy kung inaakala mong hindi ko alam ang plano mo kay Rigel.You still chasing him.In six years mokong ka,ganyan kaparin ba sa kanya?"
Ilang saglit syang natahimik.Kapagkuwan something curved in his lips.
A small smile…
"You still inlove with him huh?" Di makapaniwalang saad ko "Ano bang kasing meron ang fagg-"
"Hindi mawawala yun ate" ani nito na nagpatigil sa iba ko pang sasabihin "Whats the reason why I need to hide it from you…Im still in love with him.In the first place pinagtalunan na natin to noon pa"
"Alam mo kung anong binigay ng faggot nayan sayo" ani ko "At wala sya nang magsimula kang bumangon"
"Kung ano man ako noon hindi dahil sa kanya yun" saad nito "He has a reason kung bakit sya lumayo.But…he is the reason too,kung bakit gusto kong magbago.Para may mukha akong maihaharap sa kanya pag nagkita kami.Hindi lang yung dating tarantadong Ardy na bully at parang walang mararating sa buhay…nagbago ako dahil sa kanya"
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
"B-but thats Rigel" ani ko.
"Exactly" saad nito "He is still my Rigel,my only one ate.Pero hindi ko alam kung bakit hindi nya ako maalala.Kung bakit ang tanging takot nya lang saakin ang naaalala nya" muli itong ngumiti,ngunit mapait ito.
"But you know,its good.Kasi wala naman syang magandang alaala ang dapat na tandaan saakin e.Anong ikewkwento ko,kung paano ko sya saktan? Sisihin? Takutin…dahil ang alam ko lang noon ay mali ang pagiging bakla?"
"Kailan ba naging tama ang bagay nayun?" Ani ko "Do you think being gay is a good thing to all mans here? Maganda bang malait ang mga kagaya nila? Ayoko sa mga bakla Ardy and you know that" bahagya akong napabuga ng hininga "Sinasabi mo parin ba na bakla ka parin hanggang ngayon? Kasi ito oh…sasabihin ko uli sayo para malinawan ka na bukod na iba ang tingin sayo ng ibang tao.Mali din ang magiging tingin sayo ng dyos"
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...