Nanghihina,nangiginig.Nararamdaman ko na nagsisimula ng humapdi ang sugat ko sa pisngi.Ang galos ko sa braso.Ang kaninang sikmura ko na pinagsisipa ng matigas na paa.Nagsisimula ng kumalam.
Nagutom ako sa pananakit ni Ardy.Ang mga galos ko sa katawan ang palatandaan na wala talaga syang makundangang tao.Walang puso at isip.
Akala ko,sa mga wattpad.Titigil na ang pambubully pag ang lalaki,
nainlab na sa binubully nya.Pero hindi ang sakin.Dahil sa misteryosong nararamdaman para sakin ni Ardy,sinasaktan nya ako.
Akala nya siguro pagnasaktan nya na ang katawan ko.Mawawala narin ang misteryong feelings nya.Pero sana nga mawala nalang,dahil ngayon ko lang nalaman na pagnagkakagusto sayo ang isang tao.Dapat saktan mo sya.Dapat makita mong natatakot sya sayo.
Pero may gusto ba sakin si Ardy? Bakla din ba sya kagaya ko?
Kung ganun,bakit nya ako kailangan saktan? Bakit kailangan nya akong matakot sa kanya.Pwede syang magsabi sakin ng totoo.
Hindi ako makapaniwala na ang simpleng nararamdaman nya sakin,ay aabot sa pananakit.
Mas masaya pala na hindi ka pinapansin.Masaya na dapat na wala nang magkagusto sayo kung sakit lang din naman ang mararansan mo.Nakakatakot kasi e,nakakalungkot.
Naramdaman ko ang pagluha ko.Dito inabot ni Niro ang puting panyo.
Katulad sa mga telserye.
Pagumiiyak ang babae,kailangan bigyan ng panyo.Tapos gagawin nya ang lahat para hindi na maranasan ng babaeng yun ang mga sakit na nararanasan nito.Pero,nakalimutan ko.Bakla pala ako.Walang taong magtatanggol sakin.Fragile na ako noon,mahina parin ako ngayon.Sa mga laban ng pagiyak.Sa baklang katulad ko,magisa lang dapat akong haharap.
Si nanay lang magtatanggol sakin.Sa tatay ko,sa pangaasar ng ibang bata.Sa chismis ng kapitbahay.
Pero ngayon,malaki na ako.Dapat marunong na akong lumaban.Kaya naman,ang sakit nato sa katawan ko.Walang makakaalam.Liban lang sa lalaking katabi ko ngayon.
"Bakit nya ba ginagawa sayo to?" Tanong ni Niro.Nakatitig sakin.
Ako naman nakatingin lang sa papalubog na araw ngayong hapong ito.
Basa parin ng luha ang pisngi ko,habang ninanamnam ang lamig ng simoy ng hangin sa bay na kinauupuan namin.Si Niro,
buong concerned ang mga matang nakatingin sakin.Kinaawaan ang kalagayan ko.
"Bakit ka nya kailangang saktan?" Dugtong nya pa sa tanong nya kanina.Kasya napabugang malalim.
"You need to takecare of yourself,Rigel.Alamin mo kung bakit ka nya kailangang saktan"
Huminga din ako ng malalim.
"Alam ko naman ang dahilan"Kumunot ang noo nya.
"Alam mo pero bakit hindi ka lumaban?""Natakot ako Niro,hindi ako marunong makipag suntukan"
"Pwes tuturuan kita"
Tumingin ako sa gawi nya."Alam mong hindi ko matutunan yan.O kahit ano pa man,alam mong bakla ako"
"Ang pagiging bakla ay salita lang" sagot nito "Oo, nararamdaman mo yun.But its doesnt mean na mahina ang pagiging bakla.You need to fight for yourself"
"H-hindi ako sanay"
"Masanay ka"
"Sanay ako sa sakit,emiotionally at physically.Because being gay is meant to be hurt"
"But it doesnt mean,natatagal ang sakita.Na masasanay ka lagi. . .at parati"
Huminga ako ng malalim,naramdaman ko nanaman na tumulo ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...