THE ALMOST END

991 29 6
                                    


AN; Sa mga naka basa ng 'Im not Maria Esther,alam nyo yung lugar ng Stio.Sampaguita hehe

HAPPY READING GUYS!

Rigel POV'

"Wala akong alam sa lahat ng sinasabi mo" singit ni Nico sa usapan na sa ngayon ay pinuposasan na ng mga pulis,alam kong nakikinig sya sa lahat ng mga sinasabi nila Ardy.

"Hindi ko alam na may hidden agenda din si Tyron nung panahong nakipagsubwatan ako sa kanya.Oo kahit na marinig ng mga pulis ngayon ang totoo,wala na akong pakialam.Ako ang may ideya na ipakidnap kayo...pero hindi para huthutan ng pera ang mga magulang nyo" maya maya ay muling tumingin saakin si Nico.

"Kundi iparanas sa inyo kung paano ba itrato,ang pagiging isang bakla,sa kabila ng mga gingawa nyo kay Rigel noon" inilipat ni Nico ang paningin nya kay Niro "Ikaw Niro na balak gamitin si Rigel para lang hindi ka ipakasal sa babaeng hindi mo mahal?.Ginawa mong excuses ang pagiging isang bakla na kahit kailan ay hindi naging dahilan para manakit at gamitin mo ang ibang tao" ani nito sa binata kapagkuwan ay tumingin kay Ardy.

"At ikaw Ardy,na handang manakit ng isang bakla dahil lang sa nagugulohan ka sa iyong sarili.Kung totoo kang lalaki magpapakalalaki ka sa kung anong nararamdaman mo,bakit hindi mo sabihin kay Rigel ang totoong nararamdaman mo sa kanya noon pa?"

Alam kong dumako ang tingen saakin ni Ardy nang marinig iyun sa binata.Pero nanatili ang mga mata ko kay Nico.

"Gusto kong maramdaman nyong dalawa kung paano binabastos at binababoy kapag parte ka ng lgbtq" dugtong pa nito "Ayun ang tanging alam ko sa mga baklang kagaya nyo,ayun ang tanging ganti ni Rigel,bago nyo pa man simulan ang mga kalokohan nyo sa kanya noon,at hindi ko yun pagsisisihan sa kabila ng mga ginawa nyo sa kaibigan ko"

Hindi nakasagot ang dalawa sa tinuran ni Nico,ako namay tahimik lang habang tinitignan ang minsan naging matalik kong kaibigan at naging partner na ngayon ay hawak na ng mga pulis dahil sa mga sala nito.

Hindi ko lubos maisip na dito babagsak ang isang Nico Suarez Natividad.

"Sandali" kapagkuwang pigil ni Daniel sa mga pulis nang tuloyan nang dadalhin si Nico,kita sa matanda ang pagdadalwang isip sa gagawin,pero tila ang sitwasyon ng binata ngayon ay ang tumutulak para gawin ang nais gawin ng matanda.

"Wala akong karapatang husgahan ka ngayon" ani nito kapagkuwan.

"Aaminin ko dahil sa kapabayaan ko noon...hindi ko na alam ang nangyari sa buhay mo.Kung ano na ang pinagdaanan mo,ninyong mag-ina.Pero iho,patawadin mo ako,kasalanan ko kung bakit ka nga ba nasa sitwasyon nato.Hindi ko ibinigay ang pagmamahal na nararapat sayo bilang ama mo"

"P-Papa?.." basag na ani Nico na may bakas na pagtataka sa mukha,ganun din si Daniel na bahagyang nag-patigil sa matanda dahil sa itinawag ng binata sa kanya.Ngunit kalaunan,unti unting tumango ang matanda.

"Maayos ang lahat ng ito,anak" ani Daniel "Hintayin mo si papa ok? Aayusin ko ang lahat ng ito"

Kita ko kung paano namugtong ang mga mata ni Nico nang marinig iyun sa tinutukoy na amang si Daniel.

Ang kaninang blangkong mukha nito ay unti unting napalitan ng isang ekspresyon na hindi maintindihan.Aking nahunian na ito lamang ang nais marinig ng binata kay Daniel.Kung kayat hindi naalis ang mga mata nito sa ama kahit pa tuloyan na itong dinadala ng mga pulis palabas ng studio.

"BITAWAN NYO AKO!" singhal ang narinig ko kay Tyron pagkatapos.

Tapos na sya pusasan ng mga pulis at gaya ni Nico ay dadalhin na ang binata.Ngunit tila hindi matanggap ni Tyron ang sitwasyon.Patuloy padin ito sa pagpupumiglas.

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon