CHAPTER 15

441 29 10
                                    

AN:Pasensya na sa mabagal na update ah.Tinatapos ko lang yung first plot nito pero hindi ko parin natatapos.
Hehe.

By the way

Happy reading 💕


N

iro POV'

"Niro Barranuevo,my son" saad ni Daddy,nakangiti sya papalapit sakin tapos inakbayan nya ako.

"Ang magmamana ng buong Barrnuevo fashion & design company.Soon to be a CEO,president of the next generation" pagpapakilala nya pa sakin.

Ang lahat nakangiti,ang lahat nakatingin samin ni Dad.Tapos nung nagtaas sya ng kamay na may hawak ng glass na baso habang may lamang wine.Sumunod ang mga kanegosyo nya.Isa isang nagcheer na tila isang tagumpay ang mapasama ako sa line up nilang mga shareholders.

"Niro is very smart" kumento ng isang lalaki na may katandaan.Nakabaling ito kay daddy habang sayang sayang nakikita ako sa harapan nila "I know,Armando will be like you someday.Maangas sa negosyo" komento nya sakin.

Narinig kong nagtawanan ang lahat.Nasayihan sila sa narinig lalong lalo na si dad.

"That was for sure,Mr.Calderon" sagot ni Dad "E saan pa ba magmamana ang bunga? Edi sa ugat din hindi ba?"

Tumawa ang matanda.
"Pero sana hindi magmana sa kapilyuhan mo" ani ni Mr.Calderon. "Ayokong masaktan ang my beloved daughter na si Ashly pagnagkataon.We were soon to be balae na hindi ba? I dont want issue na kesyo umiiyak ang anak ko dahil sa anak mo.Dyan tayo magkakatalo"

Nagtawanan ulit silang lahat habang saglit kaming nagkatinginan ni Dad.Tipid akong ngumiti

Yung ngiti ko,pilit.Halata sa mata ko na hindi ako masaya.Sa katotohanan kasing nakaplano na ang buhay ko.Kahit mayroon pa ako ng mga bagay na wala ang lahat.Hindi parin ako magiging masaya.

Hindi na ata ako magiging masaya.

Ang pamilya ko,ang mga Barrinuevo.May pagaari ng isang sikat at tanyag na kumpanya.Ito ang Barrinuevo Fashion and design company.Kung saan naglulungsad ng ibat ibang koleksyon ng magagarang damit na inilulunsad din sa ibat ibang bansa.

Kabilang dito ang newyork city.Kung saan ang manhattan na isang lugar sa bansang ito.Ay kilala ang mga damit na inilulunsad ng kumpanya namin.

The company of my family is very succestful.It such an honor na maging anak nila.Pero hindi kagaya ng iniisip ng iba,swerte daw ako,maganda na ang magiging buhay ko dahil sa yaman ng mga magulang ko.

Malayo sa kaalaman nila,na its a big pressure for me dahil ako ang magmamay ari ng lahat in the future.Ako ang hahawak ng mga bagay na iniingatan ng pamilya ko.

Pero hindi ako masaya.Hindi ako kuntento dahil kahit alam kong nasaakin na ang lahat,may kulang.Hindi masaya na nakaplano na ang buhay mo.

Lahat ng mga mangyayari ay nakatakdang magaganap na.Yung tipong naplano na nilang lahat.Yung wala ka ng magagawa dahil aapak ka nalamang sa hagdan pataas na alam mo kung ano ang patutungohan.

Alam kong biruan lang ang usapan ni Mr.Calderon at ni Dad nung oras nayun.I was just a 15 year old that time but I know their plan on how they look in each other.

Ang sabi ko nga,nakasulat na ang buhay ko.Inaabangan ko nalang mangyari gaya ng kung sino ang mapapangasawa ko.

Kung ano dapat at kung sino sya sa lipunang ginagalawan nya.

Sheena Calderon.The beloved and an eligant girl na anak ni Mr.Calderon.Sya ang tinutukoy ng kaibigan ni Dad.At sya ang girlfriend ko.

Kailangan,mga bata palamang dapat kami.Malapit na kami sa isat isa.Kaya they all spoil us,they give anything we want at kahit mga luxury item ay binibigay nila para lang magustuhan namin ang hilig ng bawat isa ni Ashly.

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon