CHAPTER 8

498 34 15
                                    


"Bakla kaba Rigel?"

Narinig ko nanamang tanong ni tatay sakin.Ayan ang lagi kong naririnig sa kanya.Paulit ulit na sa utak ko.

Dahil takot ako,pilit pinapatigas ang katawan.Umiling ako para hindi nya mahalata ang malangnay na galaw ko.Para maitago ang balakang na gusto ng kumendig.

"H-hindi po tay" sagot ko.

"E bakit sa pagshoot lang ng bola hindi mo magawa!" Singhal nya sakin.

Nagulat ako.Dahil sa pitong taong gulang na edad ko,malaki ang boses nya.Nakakatakot pero tinitiis ko kasi nahihiya ako sa mga kapit bahay naming nakatingin.
Nakikiusosyo sa usapang magama.

"H-hindi ko po abot tay" sagot ko sa kanya.

Lumagitik ang hawak nyang sinturon sa pwet ko.Napaluha ako dun,pero pinigilan kong humikbi.Nasa court kasi kami,pagumiyak ako ng malakas.Nakakahiyang mapapatunayan na ni tatay na baka bakla nga ang anak nya.

"Lalaki ka Rigel" sambit ni itay "hindi ka bakla! Baskitball dapat ang nilalaro mo.Hindi manika,ngayon ishoot mo to.Ipasok mo ang bola sa ring!"

Nanginginig akong kinuha ang bola sa kamay ni itay.Huminga ako ng malalim,pinagdadasal na sana mashoot ko ang bola.

Pero malupit siguro sakin ang tadahana.Tumalbog lang yun sa lupa.Ni hindi man lang tumama sa ring.

Kaya ayun,si Itay.Hinampas nanaman ako.Nangilid ang luha pero walang lumabas na kahit anong paghikbi.

"Ishoot mo ng maayos!" Singhal nya sakin "Wag kang pahina hina!"

Inabot nya sakin muli ang bola,tinira ko at sa pagkakataong yun.Kahit nagpaikot ng ilang beses ang bola sa ring,nashoot ko.

Tapos ginanahan sya.Bahagyang natuwa dahil nakashoot ako.Pero sa pangatlo,pangapat at sa ilan pang beses.Hindi na nashoot.Dahil doon nakaramdam ulit ako ng hagupit ni tatay.Galit na galit sya.Ishoshot ko lang naman ang bola,pero hindi ko nagawa.

Binigyan nya ako ng pagkakataon.Pero hindi talaga e,hindi talaga sya mashoot.Para pati ang ring na nasa harap ko.Sinasabi ang katotohanang bakla nga ako.At ang basketball ay hindi para sa mga baklang kagaya ko.

Kitang kita ko ang galit ni tatay.Lalo na nung kinukutsya sya ng mga tambay na nunuod samin.Ginagatungan na baka nga bakla ang anak nya.Kaya hindi na nakapagtimpi saakin si Itay.

Kumuha na sya ng dospordos para panakot sakin.Paghindi ko daw na shoot ihahampas nya daw.Kaya sa huling pagkakataon sana naman mashoot ko na.

Pero hindi ganun ang nangyari e,binitawan ko lang kasi yung bola sa ere.Inantay na makarating sa ring at tumama sa bored.Nagpaikot ikot ng ilang segundo sa ring.Pinapakaba ang bawat sandali kung mashoshot ba o hindi dahil may naghinhintay na dospordos sa katawan ko.

Ilang segundo,pinagpawisan ako ng malamig.Hindi na shoot ang bola.Kaya naman nakita ko na dumukhang ang tatay para bumwelo sa paghampas saakin.

Inaantay ko nalang ang paglapat ng kahoy sa balat ko.Pumikit at napakagat ng galit.Pero ng ilang segundong wala akong naramdaman sakit.Dumilat ako,bumungad sakin si nanay.

Nasa gitna namin si tatay at ginawang panangga ang katawan para hindi matuloy ang binabalak nito.

"Wag mong sasaktan ang anak ko Arturo!" Sigaw ni inay.

"Bakla yang anak mo, kasalanan ang pagiging bakla! Pagshoot lang ng bola hindi nya kaya" sagot ni itay.

"Anak ko si Rigel,tatanggapin ko sya kung ano man sya.Walang mali sa kung sino man sya ngayon.Ayan ang pagkatao nya.Bakla ang anak mo Arturo.Sana naman tanggapin mo yun!"

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon