AN; Update again for this day! happy reading guys!
Rigel POV'
"Paano ang isang kagaya mo,ay tatayo upang ipagtanggol ang kaibigan ko?" kilala ko ang boses ng babaeng iyun.Si Anjie na hanggang ngayon,hindi ko alam kung bakit narito sya kasama ni Nico.
"E sa katotohanan,ikaw ang nanakit kay Rigel noon,ikaw ang unang nagbalik ng mga bangungot nya.Sayo nag mula ang muling paggising ng nagtatagong takot ng kaibigan ko.Kagaya naming lahat dito...si Niro,yung Tyron,si Nico at ako...isa kadin saamin,sinaktan mo din si Rigel noon"
Unti unti,kumalas ako sa pagkakaakap ko kay Ardy.Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng nasa paligid kong nanakit saakin.Kay Ardy lang ang gusto kong marinig ang paliwanag,tila gusto kong marinig ang sasabihin nya kung bakit nya ako sinaktan.
At ang sasabihin nya ay tila isang sagot sa matagal ko nang hinahanap noon pa.Isang sagot na may katotohanan.
"Mahal ko si Rigel" ani nito na tila isang magandang tugtog sa tenga ko "Mahal na mahal ko sya...at sapat na sagot nayun upang gawin ko sa kanya ang lahat ng ito.Ang alisin sya sa impyernong buhay nato.Ang ilayo sya sa mga demonyong kagaya nyo"
"SAPAT na paliwanang naba ang pagmamahal mo Ardy?" isang tanong muli ang ibinato ni Anjie "Sapat na ba ang pagmamahal mo nayan para alisin sya sa impyernong buhay nato?"
"Kung pagmamahal lang ang paguusapan.Wala nang sapat na pagmamahal para kay Rigel" sagot ni Ardy "Dahil ang mismong pagmamahal nya narin ang sumira sa kanya.At ang mga taong nasa paligid nya na may pagmamahal din sa binata,na nangakong hindi sya sasaktan.Nandidito ngayon...pinapamukha na kasakit sakit sya,na kagamit gamit sya...kaya kahit gaano ko pa sabihin na mahal ko si Rigel,hindi na sapat yun.Kasi ang pagmamahal narin ang sumira ng tiwala nya.Ang pagmamahal narin ang nanakit sa kanya ngayon"
"Kaya nandito ako para itama ang lahat" kapagkuwan singit ani Nico sa usapan "Nandito naman talaga ako para sa mga plano ko e...ang paghihiganti.At ito ang kinalabasan ng lahat.Si Rigel ang nagsalo ng lahat ng ito" dito lang akong nakuhang tignan ni Nico.
"Pero patawad dahil huli na ang lahat..." kapagkuwang ani nya "Nangyari na ang nangyari"
Maya maya pa ngisi ni Tyron ang narinig ko."Kasi alam ni Nico kung saan to hahantong" ani nito "...At alam nya kung sino ang mananagot"
Saglit nitong pinasadahan ng tingen si Niro,kapagkuwan ay tumingin saakin.
"Tutal pinag-uusapan nyo nadin naman ang tungkol sa pagmamahal" dugtong ni Tyron "Tignan natin kung saan aabot ang pagmamahal ni Niro...kay Rigel"
Agad kaming nagkatinginan ni Niro,kapwa na may bakas na pagtataka sa pagmumukha.Sa pagkakataon nato,natigilan kami nang biglang pumasok sa studio ang may limang pulis.Kitang kita ko kung paano nabahala si Anjyl,Daniel at Mary.
Samantalang si Tyron ay tila natutuwa sa nangyayari.Mukhang inaasahan nya na ang lahat ng ito.
"Kailangan ba talagang umabot sa lahat ng ito Nico?" ani Anjyl.
"Ikaw lalaki ka" si Mary ang sunod na nagsalita,turan nito si Nico "Ano bang pinaplano mo ha? Hayup ka"
"Gaya ng sinasabi ni Nico huli na ang lahat" si Tyron muli ang sumagot sa mga hinain ng mga kababaihan "Kung totoong minamahal ni Niro si Rigel,hindi nya hahayaang makulong ang faggot nayan.Isang illegal na kumpanya ang itinayo namin.At dahil si Rigel ang lumalabas na may ari nito...na kay Niro nalang kung aakuin nya ang lahat"
Walang nakapagsalita saaming lahat.Tila inisang hakbang lang kaagad ni Niro ang pagitan ng stage at ang may limang pulis na patungo sa kung saan ako naroroon kapagkuwan.Wala itong pagdadalwang isip na magmukhang tanga at pigilan ang mga pulis sa balak na gawin.
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...