AN:Hindi ko naedit ang chapter nato hehe.Sorry for the errors and sa mga wrong grammar.
Happy reading 💕
Niro Pov'
Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi ko hinahayaang mawala sa buhay ko si Rigel.
Mahal ko sya,at hindi ko yun itatanggi.Pero iba na ang sitwasyon naming dalawa.Hindi na kami tulad ng dati na pwedeng maging matapang para sa mga pagmamahal namin…kung minahal nga rin ako ni Rigel.
May mga tao na sa buhay naming dalawa.Ako,nandito na si Anjyl.
Pinipilit ayusin ang pagmamahal na minsang ibinigay ko sa kanya.Dapat tumigil na ako,dapat tapusin ko na at magpaubaya na ako sa mga dapat mas deserving ng pagmamahal na ginusto ko noon.
Si Ardy,alam ko buo ang pagmamahal nya kay Rigel noon pa man.Alam kong sya ang takot nito.Pero hindi nakikita ni Rigel kung ano bang mayroong pagmamahal si Ardy sa kanya.
Nakita ko yung tunay na pagmamahal nya sa taong mahal ko.At mas deserving sya dito.Dapat lang na sa kanya ibigay ni Rigel ang pagmamahal na meron sya sakin noon.
Nakita ko sa mga mata nya.Alam ko nung halos nakiusap syang ingatan ko ang mga taong mahal nya.Bukod sa ate nya,sinama nya si Rigel.At yun yung pagkakataong inamin nya saakin na mahal nya ang taong mahal ko.
Ang kapal na siguro ng mukha ko kung ipipilit ko pa ang lahat saamin ni Rigel.
Tama na siguro,dapat ko nang itigil ito.
"Bakit ka hinalikan ni Ardy?" Kapagkuwan tanong saakin ni Tyron.
Kasalukuyan kaming nasa opisina ko.Busy ang iba dahil sa paparating na kuleksyon ni Hugo.Isa sa tanyag na designer dito sa pilipinas.He works on my company at malaki ang expection ng lahat sa kanya dahil dala nya sa pangalan nya ang kumpanya ko.
Pero kahit ganun ka busy ang lahat,ito namang kabakante si Tyron.Handang maging tambay sa buhay para lang tanungin ako ng random question na ikinatigil ko naman agad.
"What?" Tanong nyang muli saakin ng mapatitig lang ako sa kanya.
"Niro you need to tell me why? Bakit ka hinalikan ng lalaking yun? Bakla na ba sya?"
"Bakit kailangan mong malaman?" Saad ko "Nakwento ko lang naman sayo kagabi,kung gaano sya kadispirado sa hindi ko malamang dahilan"
"E bakit ba dumating sa punto na hinalikan ka nya?" Tanong muli nito "Bakit napunta ka sa condo unit nito,para saan e hindi naman kayo magkaibigan diba?"
Napabuntong hininga ako.
"I want to confront him" saad ko,nakita kong saglit syang natigilan.
"Tinanong mo talaga sya kung ano kuneksyon nila ngayon ni Rigel sa isat isa?"
Tumango ako,napansin kong tila na napangisi sya ng bahagya kapagkuwan ay napatingin sa malayo.
"So kumakagat ka talaga dun?" Bulong pa nito sa sarili na ikina kunot ng noo ko.
"Paanong kumagat?" Tanong ko.
"Ah nothing" sagot nya bago ipilig ang ulo dahil sa naisip."You know naisip ko lang kasi na ganun ka talaga ka effort? Para kay…Rigel?"
Saglit akong napatitig sa kanya.Kapagkuwan ay kusang umiwas ang mata ko.
"Siguro that time oo" sagot ko "Ikaw din naman ang nagsabi diba? Maari ngang may kinalaman sila sa isat isa ngayong sabay din silang bumalik sa buhay ko?"
"I know" saad nito "Pero paanong dumating sa point na hinalikan ka nya? Para saan"
"Para mapatunayan nya siguro na hindi totoo ang ibinibintang ko" sagot ko "Pero pinaalam nya saakin na ganun nya kamahal si Rigel.Sinubokan nya akong halikan dahil akala nya bibigay ako sa bagay nayun.He already know that Im gay,at iniisip nyang nagkagusto ako sa kanya dati"
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...