AN:Hey! Readers! Huhu sorry sorry sa sobrannng tagal ng update.Marame akong say but withour further though HAHA.Nagwork po kasi ako sa makati in onemonth.And as of now dalawang chapts palang nagagawa ko.Kaya sorry sorry talaga sa sobrang tagal.
Sana nandyan pa kayo.
Happy reading 💕
Rigel POV'
Its been years na isa sa bahagi ng buhay ko ang hindi ko na maalala.
Its been years na umiiyak ako sa gabi nang hindi ko alam ang dahilan.
May isang tao...may isang tao na sumasagi sa isip ko pero hindi ko alam kung sino.Basta,pag naalala ko sya may kung anong kurot ang puso ko.Tapos mararamdaman ko nalang na nagmamalabis na pala ang mga luha ko.
Im trying to find out what I really feel.Kung bakit ako ganto,kung sino ba ang lalaki sa alaala ko.Kung sino ba sya sa buhay ko.Pero kahit anong hanap ko,wala akong makita.May nararamdaman ngunit walang maalala.
Sino ba talaga sya? anong bahagi ng buhay ko ang kinuha nya?
I regretting on something.Im hurting on something,but I don't know why,hindi ko alam kung bakit habang hinahanap ko ang sagot.Lalo pa akong nasasaktan.
Gusto ko ng itigil.Pero parang ayaw magpatapos.
May kailangan pang tapusin kahit hindi ko alam kung may nasimulan naba.
Hahantong sa dulo,mapapahinga nalang ako ng malalim hanggang sa kumalma ako.Babawiin muli ang luhang nagsisimulang pumatak.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakalugmok sa higaan.
Pagmulat ko ng mata.Karaniwan ng liwanag sa bintana ang una kong nakikita.Ngumingiti sakin ang liwanag ng umaga.Pero walang saya ang naidudulot nito.
Sa anim na taon pagkatapos mangyari ang insidente,parang wala na akong maramdaman.
Katulad ng paglimot ko sa naiwang alaala.Parang nawala din ang saya.
Napahinga muli ako ng malalim.Pinilit ibinangon ang sarili sa kamang ito.Papatayin ko na sana ang kanina pang nagiingay na alarm clock sa bedside table pero naunahan na ako sa pagpatay nito.
Medyo nagulat pa ako sa prisensya nya ngunit agad din akong nakabawi dahil may matamis nanaman na ngiti ang gawad nya saakin.
Umupo sya sa tabi ko, kapagkuwan ay malalim ang pagtitig sakin.Namalayan ko yun dahil gayun din ang tingin ko sa kanya.
Pinapasok namin ang kaluluwa ng bawat isa.
Yung tingin nayun ang kasalukuyang nagpapagaan sa loob ko.At hindi ko alam kung bakit sa ngiti at buong presenya ng mga mata nya ay tila na kukulangan parin ako.
Dapat sya na,dapat kuntento na ako kung ano ang nakukuha ko sa kanya.Pero hindi pa sapat.At sinisisi ko ang sarili ko dahil dun.
May hinahanap pa ako.At hindi ko yun makita sa kanya.
Saglit namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Kapagkuwan ay marahan nyang hinaplos ang pisngi kong puno nanaman ng mga luha.Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya habang ginagawa yun.At hindi ko sya masisisi dahil kung ako ang nasa posisyon nya,masasaktan din akong makita na ang taong mahal mo ay sa iba lumuluha.-Hindi ko alam ang dahilan-wala akong maibibigay namatinong sagot.
Kaya naman parang naiintindihan nya na ang pinagdadanan ko.Wala nang dapat ipaliwanag pa dahil hindi narin sya naghahanap ng maisasagot ko.
Yun ang maganda para kay Niko.Lagi nya akong naiintindihan,inuunawa lahat ng pinagdadaanan ko.At hindi ko alam kung hanggang saan ang pagunawa nayun.
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...