Ardy POV'Hindi ko mapigilan sa pagdaloy ang luha ko habang papalabas ako ng bahay nila Rigel.
Naglalakad ako sa kaparehas na kalye na dinaanan ni Rigel ng makita ko sya.Sinundan ko sya hanggang sa loob ng village pagkatapos nyang bumaba sa kotse ng Niro nayun.Pagkatapos ko silang makitang naghalikan sa loob ng kotse at tila napagtanto na ang totoo nilang mga nararamdaman sa isat isa.
Ang tanga tanga ko sa part na nagselos ako sa kanilang dalawa.Ang tanga ng ginawa ko dahil akala ko,matatakot ko uli si Rigel sa pamamagitan ng pananakit sa kanya.
Bakit ko nga uli sya gustong saktan? Oo naalala ko na,dahil nasasaktan din ako.Kasi dapat ako yun,kasi dapat ganun nya ako halikan.
Yung halik nya kay Niro,dapat ganun din sana yung halik nya sakin.
Yung may pagmamahal,at napapapikit sya pagkatapos ay manunubig ang mata.
Pero kahit ilang beses ko man sya halikan ng paulit ulit.Kahit magdampi ang mga labi naming dalawa.Hinding hindi mapapasakin ang tamis nun.
Masakit dahil hindi para sakin,kundi para kay Niro.
May nagmamayari na sa puso nya.At kahit siguro ako yung nauna,si Niro parin ang pipiliin nya.
Bakit ko ba kasi ginawa yun kay Rigel?.Bakit sanay na ako manakit?,at bakit pati kay Rigel hindi ko napigilan ang sarili ko.
Talo nanaman ako,at ngayon.Imbes sa karaniwan na si Rigel ang naiiyak dahil sa takot.Ako yung lumuluha ngayon.
Nagawa akong paiyakin ni Rigel.
Pero hindi ako umiiyak dahil sa takot ah.Umiiyak ako dahil nasaktan ako ni Rigel.Dahil hindi ako ang pinili nya.Dahil mas gusto nya si Niro at kahit sabihin ko man ang totoong nararamdaman ko sa kanya.Baliwala yun,si Niro ang laman ng puso nya.
Sa tagal ng panahon,ngayon lang ako muling umiyak.Naaalala ko yung huli,sa pagkawala pa nila mom and dad yun.Sa pagaaway namin ng kapatid ko.
At ang huling nakakita,bukod kay ate,si Niro.Sya ang kaisa isang taong nagpatahan sakin.Nagbigay ngiti sakin nung oras na pumatak ang mga luha ko.
Pero ngayon,sino na nga ba ulit ang dahilan ng pagiyak ko.Sino na ba ang dahilan ng pagsikip ng dibdib ko.Oo tama,dahil din to kay Niro...at sa faggot nayun,kay Rigel.
Hindi ako makapaniwala na umiiyak ang isang kagaya ko dahil sa mga taong mas mahina sakin.
Kasalanan ko ba to? O dahil ito ang dapat sakin.Bakit hindi ko matanggap ang pagkatao ko.
Bakit hinanap ko ang sagot sa pananakit kay Rigel.
Bakit kasi mahal ko sya?
Uuwi nalang ako sa bahay,sumakay sa kotse ko na pinark sa isang daan.Binagtas ang daan patungo sa bahay namin.Ang kaisa isang lugar kung saan ako kumportable.Ang ligtas na lugar kung saan walang pwedeng manakit.
Sa kwarto ko gusto ko magtungo.
Sa apat na sulok ng silid nayun kasi,naging mga kaibigan ko ito.Ito noon ang dating comfortzone ko,at ngayon ito parin ang tatakbuhan ko sa tuwing iiyak at mahina ako.Pero sa pagpasok ko sa pinto ng bahay.Dadaanan ko pa ang sala,pero hindi kagaya ng iba na mga magulang ang maabutan mo rito.Kasi diba nga,wala na akong mga magulang.Si ate Anjyl,ang nagpi-feeling kong nanay na manenermon sa tuwing uuwi ako ng gabi.
Hindi na sya nasanay katulad ng dati.Pero may iba sa kanya ngayon,nakatayo na sya sa gitna ng sala.Talagang inaantay ako,pero ang usual na galit nyang mukha na nakatitig sakin,sa mga mata nya,may bahid ng luha.Namumugtong ito.
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...