Happy reading guys! 💕Mahigpit ang yakap ko sa lalaking kinatatakutan ko nga noon.Pilit tinatanggal ang ano mang takot na nararamdaman sa kanya,niyakap ko ang takot ko.
Hindi ko man alam kung ano ang mga ginawa nya,base sa naramdaman kong pag hihingi nya ng tawad alam kong may nagawa nga syang labis nyang pinagsisihan.
At malaki ang epekto nito saakin.
Naisip ko,kung naalala ko man ang mga nangyari.Mapapatawad ko ba ang tao nato…o pinapatawad ko naba sya ngayon dahil sinobukan ko na yakapin ang takot ko ngayon.
Sa totoo wala padin kasagutan kung bakit may takot ako kay Ardy.Ngunit pakiramdam ko kailangan kong tapusin ang nararamdaman nayun.
Para maging malaya ako.
Maya maya pa naramdaman ko na ang mga braso nya sa likod ko.
Niyakap nya din ako pabalik.Kapagkuwan ay narinig ko ang paghikbi nya,isinubsob nya din ang mukha nya sa balikat ko at doon umiyak.
Muntik man ako natigilan sa ikinilos nya pero hinayaan ko sya,hinayaan ko ang sarili namin.Para matapos na ang lahat sa kung ano mang namamagitan saamin ni Ardy.
"Now I can die early na" sambit nito kapagkuwan.
I gulped dahil sa sinabi nito.
"Ito lang hinihintay ko Rigel,para magpatuloy ng walang balakit.Pag papatawad mo lang ang hinihintay ko.Maraming salamat"
Unti unti akong kumalas sa pagkakaakap sa kanya at tinitigan sya sa mukha kapagkuwan.
"Pinapatawad mo na ba ako?" Tanong nya.
Hindi muna ako sumagot,kapagkuwan ay napabuga ako ng hangin.
"Hindi ko maalala ang mga ginawa mo sakin" sagot ko "But kung ano man ang nangyari ngayon I just want to say that I mean it.Gusto ko lang matapos kung ano ang nararamdaman takot ko sayo…kung bakit ako takot sayo"
"Kung ano man ang nangyari sayo noon bago ako mawala" saad nya "Wala na akong karapatan malaman yun.Kung…nakalimot ka man talaga,gusto ko rin yun ipaghingi ng tawad.Kung kasalanan ko din yun Im so sorry…hindi matatapos ang sorry ko hanggang maubos man ang sorry na salita sa mundo"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.Bumunga ng hangin at ngumiti ng tipid.
Nabalot kami ng saglit na katahimikan.Bago ko naramdaman ang paghawak nya sa dalawang kong palad.
"Matagal ko nang gustong gawin to Rigel" kapagkuwan saad nya.Napatingin ako sa mga mata nito "Kahit ito na sana ang huli,at kahit ito lang para.makuntento na ako ngayong araw"
Hindi ako nakasagot,naka kilos maya maya dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sakin kapagkuwan ay hinalikan nya ako sa…noo.
Hindi ako naka kilos,naramdaman ko lang ang masuyo nitong ginawa saakin.Hindi ko maintindihan ang nangyari pero nagulohan ako sa ginawa nya.
Pakiramdam ko ay nagkaron ako ng zoo saakin ang tyan.Tumibok din ang puso ko at kinabahan.Hindi na dahil sa takot kundi sa kakaibang bagay.
Ano yun?
Bakit ganon?
Hindi ko alam kung ilang segundo na naganon ang posisyon namin.Napakalapit ng katawan namin sa isat isa habang ang mga labi nya ay nakadikit sa noo ko.
A genuine kiss.
Maya maya pa,biglang nagbukas ang ilaw.Kasabay nun ay ang pagbukas din ng pinto.
Nakagawa pa ito ng ingay kung kayat sabay kaming nagulat ni Ardy.
Huli na nang makakilos kaming dalawa at mailayo ang katawan sa isat isa.Dahil iniluwa na ng pinto ang isang lalaki.
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...